July 15, 2026

Home BALITA Metro

MMDA, may show cause order kay Gabriel Go dahil sa sinitang teacher

MMDA, may show cause order kay Gabriel Go dahil sa sinitang teacher
Photo courtesy: MB File Photo/Gabriel Go (FB)

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang inalis sa mga clearing operations si Gabriel Go, hepe ng MMDA Special Operations Group-Task Force Road Clearing (SOG-TFRC), habang iniimbestigahan ang kaniyang pagkakasangkot sa isang viral na insidente.

Sa inilabas na pahayag ng MMDA nitong Hulyo 15, sinabi ng ahensya na nakarating na sa kanilang kaalaman ang kumakalat na video na kinasasangkutan ni Go, na pumapatungkol sa umano'y paraan ng pagsita niya sa isang male teacher na walang suot na helmet habang nakamotorsiklo.

Nakatanggap na rin umano sila ng mga liham mula sa iba't ibang grupo kaugnay ng naturang insidente.

Ayon sa MMDA, nagsasagawa na sila ng pormal na imbestigasyon upang matukoy kung may pananagutan si Go sa nangyari.

Binigyan na rin siya ng show cause order, kung saan inatasan siyang magsumite ng nakasulat na paliwanag hinggil sa insidente.

Metro

Solo parent na TNVS rider, pinatay at pinagnakawan pa ng motorsiklo ng pasahero!

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, sinabi ng ahensya na pansamantala munang hindi isasama si Go sa mga clearing operations.

"The viral video of an incident involving our personnel Gabriel Go was brought to our attention, and we have also received letters from various groups," pahayag ng MMDA na mababasa sa kanilanng Facebook post nitong Miyerkules, Hulyo 15.

"Rest assured that we are conducting an investigation as to Mr. Go's liability, and he was asked to explain his side in formal writing through a show cause order."

"His participation in clearing operations is currently held in abeyance pending the result of the investigation," anila pa.

Maki-Balita: 'Dapat ikaw ang better example sa kabataan!' Gabriel Go, binatikos sa 'pamamahiya' sa sinitang teacher

Maki-Balita: Gabriel Go sa isyu ng sinitang teacher: 'Whatever your profession you are never entitled for exemption!