July 19, 2026

Home BALITA Metro

'Dapat ikaw ang better example sa kabataan!' Gabriel Go, binatikos sa 'pamamahiya' sa sinitang teacher

'Dapat ikaw ang better example sa kabataan!' Gabriel Go, binatikos sa 'pamamahiya' sa sinitang teacher
Photo courtesy: Gabriel Go (FB)

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang naging paninita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force head Gabriel Go sa isang male teacher na nagmamaneho ng motorsiklo pero walang suot na helmet.

Kilala si Go sa pagpo-post sa social media ng kaniyang isinasagawang paninita sa mga lumalabag sa road-clearing operations at pagpapatupad ng traffic at sidewalk regulations in Metro Manila.

Noong Martes, Hulyo 14, ibinahagi ni Go ang pagsita niya sa isang lalaking nakamotorsiklo subalit walang helmet.

Batay sa suot na uniporme, ang nabanggit na violator ay isang guro.

"Teacher ka po sir, dapat ikaw ang better example sa kabataan. Tandaan natin, the school is our second home at ang mga guro ang tumatayong magulang
" mababasa sa caption ng kaniyang video post.

Metro

Traffic enforcer na nag-counterflow sa EDSA bus lane, suspendido lisensya!

Habang hinihingi ang lisensya at ORCR ng motorsiklo, tinanong ni Go kung ano ang trabaho ng hinuli. Dito na nagsabi ang hinuli na isa siyang guro.

"Teacher ka tapos wala kang helmet? Paano naman natin tuturuan ang ating mga estudyante kung ganun?" saad naman ni Go sa video, habang nagso-sorry naman sa kaniya ang guro.

Batay naman sa video, nakiusap ang guro na kung maaaring huwag na siyang videohan, subalit sinabi ni Go na ibe-blur naman daw ang mukha niya. Sinabi rin niyang huwag na lang siyang magpakilala.

Photo courtesy: Screenshot from Gabriel Go (FB)

Mababasa naman sa comment section ng post ang pagpuna ng mga netizen kay Go.

"Ignorance of the law excuses no one. Yes, the teacher had lapses, pero kausapin mo sya ng maayos. You can still issue the ticket, there’s no problem with that because it’s part of your job and there was indeed a violation. But the point is, he was respectful, approachable, and willing to cooperate. The issue lies in the way he was approached—parang wala nang respeto. Has proper courtesy disappeared nowadays?"

"You should ask for permission first before uploading someone’s video. Especially if the teacher already said not to record or upload anything, that instruction should have been respected. Even if the person’s face is blurred, privacy is still important, especially now that content spreads so quickly on social media. This should not be treated as just another source of views or income."

"Tama po, teacher kami at dapat maging good example sa mga estudyante. Walang debate doon. At kung nagkamali ang isang guro—gaya ng pagmamaneho nang walang helmet—mali iyon. Walang valid excuse, kahit sabihin pang malapit lang ang bahay o paaralan. Ang importante, tinanggap niya ang violation at ang kaukulang parusa. Iyon ang tunay na accountability.

Pero sana hanggang doon lang. Kasi iba na kapag ang paglabag ay ginawang content sa social media. Kahit naka-blur ang mukha, kung makikilala pa rin sa boses, motor, uniporme, o iba pang detalye, maaari pa rin itong magdulot ng public humiliation. Ang tanong: ang layunin ba ay road safety at disiplina, o para manghiya at mag-viral?"

"Mali si teacher talaga, walang helmet. But sir Gab, try to talk to him politely naman po
 naka uniform pa naman si sir. Parang ang labas ng video kasi na ok na ok lang talaga kausapin ang guro ng ganyan, kaya ang daming student na rin talaga na nawawalan ng respeto sa teacher eh kahit sa pakikipag-usap lang. Tanggap naman ni sir mali nya, ok na yun ticketan niyo na po."

"Mawalang galang na po sir..Parang di naman po yata kaaya aya ang pakikipagusap niyo po sa tao...Ganyan napo ba ang oryentasyon sainyo ngayon in your service???May posisyon po or wala ang tao matuto po tayong igalang dahil lahat po ng tao ay mayroong DIGNIDAD!"

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Go.

"KAKAINIT NGA NAMAN NG ULO KUNG SINO PA DAPAT ANG UNANG UNA SUMUNOD AT MAGING MABUTING HALIMBAWA SA KABATAAN SILA PA YUN VIOLATOR! KAHIT ELEMENTARY ALAM NA ALAM NYO MALI WALANG HELMET! WAG NYO NA TWIST ANG STORY PARA LANG MAKALUSOT KAYO AT IBALING ANG PAG KAKAMALI NYO SA NAGPAPATUPAD NG BATAS! KAHIT SINO ILAGAY NINYO SA POSITION NI GABRIEL GO, IINIT ULO PAG NALAMAN MONG GURO MO AY KAMOTE SA KALSADA TAPOS BALAK PA TUMAKBO."

"Mga galit n galit pag napuna ang pag kakamali.. Di nila makita ano ang point dito! Mahiya naman kayo teacher kayo dapat kayo ang unang una may respeto sa batas.. Kung kilala nyo si Gabriel Go ganyan talaga yan manita sino pa man kaharap nyan! Kakainit talaga ulo kung sino pa dapat ang katuwang mo sa pag tuturo ng tama eh makaharap mo pa sa ganito situation.. kaya lalo iinit ulo mo kahit sino pa man!"

"Teacher, binigyan ng leksyon haha."

"Dapat alam mo na bago ka sumakay sa motor kumpleto ka na walang masilip violation sayo’ tapos nahihiya ka rin pala idol."

"balik sa pag estudyante teacher may nakalimutan kang natutunan."

Sa hiwalay na post ay nagbigay naman ng reaksiyon at pahayag si Go sa mga natanggap na batikos mula sa mga netizen, lalo na sa sektor ng edukasyon.

"Ang problema natin kalsada transcends beyond mga motorista or mga naglalakad, whatever your profession you are never ENTITLED FOR EXEMPTION," aniya.

"This goes to show that the problem of disorder on our streets is not just about the implementation of the law. It also raises questions about the role of our schools in shaping discipline, responsibility, and respect for rules. Schools are meant to be a second home, and teachers are expected to serve as guardians and role models for the youth."

"Being part of the academe or being a teacher does not excuse anyone from following basic rules and regulations. In fact, educators are expected to uphold a higher standard because their actions influence the next generation."

"Ang mas nakakalungkot, nahuli na nga dahil sa paglabag, nag-attempt pa umanong tumakbo. Kung ganito ang ipinapakitang halimbawa ng ilan sa mga inaasahan nating humuhubog sa kabataan, marahil panahon na ring pagnilayan kung paano natin mas mapapalakas ang kultura ng accountability, disiplina, at pagiging huwaran sa loob ng ating educational system."

"The hard pill to swallow, this is the system and culture that we need to change or else progress will always just be a dream for us Filipinos
" aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Gabriel Go (FB)

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol dito.