Paalala ng DOH: Maghinay-hinay sa pagkain ng matataba, matatamis at maaalat ngayong holidays!
Mahigpit ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na maghinay-hinay sa pagkonsumo ng mga pagkaing matataba, matatamis at maaalat ngayong holiday season. Ang paalala ay ginawa ni DOH Spokesman Assistant Secretary Albert Domingo kasunod na rin ng kaliwa’t kanang mga pagtitipon, gaya ng mga Christmas party at reunion, na dinadaluhan ng mga Pinoy dahil na rin sa nalalapit na panahon ng...