August 15, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo?

#KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo?
Photo courtesy: Unsplash

Naranasan mo na bang maghanda sa isang pangyayaring hindi mo pa nakikita pero inaasahan mong mararanasan mo? 

Kapag sinasabi sa forecast na may posibilidad ng ulan, nagdadala tayo ng payong kahit maliwanag pa ang kalangitan o kaya nama’y naka-set na ang alarm sa phone natin sa susunod na umaga kahit walang kasiguraduhan na gigising tayo ulit. 

Mga simpleng halimbawa mang maituturing pero ganitong pananampalataya ang itinuturo ng Panginoon nang sinabi niyang maghintay sa Kaniya nang may pag-asa. 

“Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.” - Isaias 40:31

Bukod sa mga pagsubok, hindi rin biro ang maghintay dahil nasanay tayo na nauuwi lang ito sa wala. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala'

Mula sa mga lakad na naudlot dahil sa hindi tugmang mga schedule ng tropa o pamilya, rejection sa job application, hanggang sa nakakadurog na break-up sa taong inakala nating makakasama natin sa habangbuhay. 

Pero sa Panginoon, hindi Siya paasa dahil nakikinig Siya sa mga dasal at hiling natin. 

Natutugon man ito agad o inaabot ng ilang araw, linggo, buwan, o taon–hindi Siya nakakalimot. 

Sabi sa Bibliya, sa kabila ng mga kakulangan natin ay nananatili Siyang tapat (2 Timoteo 2:13). 

Mahalaga ring tandaan na ang paghihintay sa sagot ng Panginoon ay hindi “passive” o pagtunganga lang kung hindi “active trust” o araw-araw na paggawa ng desisyong magtiwala sa Panginoon kaysa sariling kakayahan at kaalaman. 

Sa panahon din ng paghihintay, mainam na gamitin ito para mas kilalanin ang sarili at mga kakayahan at paigtingin ang panalanging maalagaan ang mga biyayang nasa buhay mo na ngayon para maging handa sa ipinapanalanging biyaya.