August 24, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga panganib na dala ng Food and Water-borne Diseases at Dehydration

ALAMIN: Mga panganib na dala ng Food and Water-borne Diseases at Dehydration
Photo courtesy: Unsplash

Sa pananalasa ng mga malalakas na pag-ulan at pagbaha sa bansa dulot ng Habagat at pagpasok ng mga bagyo, hindi lamang abalang dulot nito sa mga kabahayan at pangkabuhayan ang iniinda ng maraming Pinoy kung hindi maging ang mga bantang dulot nito sa kalusugan. 

Una na rito ang Leptospirosis na isang bacterial infection na nakukuha sa tubig na may kontaminadong ihi ng mga infected na hayop tulad ng daga. 

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), kung hindi ito maaagapan, maaari itong magdulot ng kidney damage, liver failure, at meningitis na isang sakit na nagdudulot ng pamamaga sa parte ng membrane na responsable sa proteksyon ng utak at spinal cord. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga dapat tandaan matapos sumuong sa baha

Isa pa ay ang “Food and Water-Borne Diseases” o FWBD at Dehydration. 

Human-Interest

ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

Ayon sa Department of Health (DOH), ang FWBD ay mga sakit na dulot ng viruses, bacteria, o parasites na dala ng mga sumusunod: 

1. Kontaminadong pagkain at inumin. 2. Pagkahawa mula sa ibang taong kinapitan na ng sakit na ito. 

3. Maruming kamay at kapaligiran. 

Babala pa ng ahensya ay kinakailangan nang magpakonsulta sa doktor ng indibidwal kung nararamdaman na nito ang mga sumusunod na sintomas: 1. Matinding pagdumi o pagsusuka. 

2. Dugo sa dumi o suka. 

3. Matinding paghihina o senyales ng dehydration.

4. Matinding pananakit ng tiyan. 

5. Mataas na lagnat. 

Narito naman ang mga senyales ng Dehydration na mahalagang bantayan, ayon din sa DOH: 

1. Hirap sa pag-inom ng tubig. 

2. Panlalambot o matinding pagkapagod. 

3. Lumulubog na mga mata. 

4. Mabilis na paghinga. 

5. Tuyong bibig at dila. 

6. Mabilis na tibok ng puso. 

Paalala ng DOH sa publiko, tiyaking wasto at malinis ang paghahanda at pagluluto ng mga pagkain at ang mga iinuming tubig. 

Kung hindi sigurado sa kalinisan ng tubig, pakuluan ito o gumamit ng chlorine tablets. 

Dagdag pa ng ahensya, ugaliing regular ang paghuhugas ng mga kamay at panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran.