Nagbaba ng paalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) noong Lunes, Agosto 24, hinggil sa mga impormasyong hindi dapat ilabas ng publiko, partikular ng kabataan sa social media dahil sa posibleng kapahamakang dulot nito.
Kasunod ito ng shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University noong Martes, Agosto 18, na sa kasagsagan ng pamamaril, naka-Facebook live pa ang suspek, na isang Grade 7 student umano.
MAKI-BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!
Kaya sa inilabas na pahayag ng Department of Education (DepEd), ibinahagi nila ang lubos nilang pagka-alarma at bilang tugon, tiniyak nila ang pakikipagtulungan sa kanilang mental health partners para magpaabot ng Psychological First Aid at psychosocial support sa mga naapektuhan ng insidente.
MAKI-BALITA: DepEd, naalarma sa school shooting incident sa Zamboanga!
KAUGNAY NA ULAT: Ateneo de Zamboanga University, nagsalita sa shooting incident
Dahil dito, nagbaba ng paalala ang CICC hinggil sa mga impormasyong hindi dapat ilabas ng publiko, partikular ng kabataan sa social media, dahil sa posibleng kapahamakang dulot nito.
1. Pangalan at address ng paaralang kinabibilangan.
2. Address ng bahay na tinitirahan.
3. Live location.
4. Larawan ng sarili o pamilya.
5. Passwords at iba pang personal na impormasyon.
Direktiba pa ng CICC, kung may mapansing kahina-hinalang online activity na kinasasangkutan ng isang menor de edad, mangyaring i-report ito sa kanilang Hotline 1326 para agad na matugunan.