Agad na naglabas ng pahayag ang Department of Education (DepEd) sa naganap na insidente ng pamamaril sa loob ng eskwelahan sa Ateneo de Zamboanga Junior High School campus sa Zamboanga City umaga nitong Martes, Agosto 18.
Kaugnay ito sa naging pagpapaputok umano ng isang Grade 7 student sa loob ng isang silid-aralan sa Ateneo de Zamboanga Junior High School campus na naging sanhi ng pagkasawi ng isang estudyante, at ng suspek mismo.
KAUGNAY NA BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!
Sa inilabas na pahayag ng DepEd nito ng Martes, sinabi niyang lubha raw silang nag-alala sa naturang ulat ng insidente ng pamamaril sa nabanggit na paaralan.
Anila, nakikisimpatya raw sila sa komunidad ng Ateneo de Zamboanga sa ganitong mga panahon at nakahandang magbigay ng suporta para sa mga mag-aaral, pamilya, kawani ng paaralan, at iba pang mga awtoridad.
“DepEd stands with the Ateneo de Zamboanga community during this difficult time and is ready to extend whatever support and assistance we can to the affected learners, families, school personnel, and concerned authorities,” anila.
Photo courtesy: DepEd (FB).
Paglilinaw ng DepEd, nakikipag-ugnayan na raw sila sa kanilang mental health partners para maglapat ng Psychological First Aid at psychosocial support sa mga naapektuhan ng naganap na insidente ng pamamaril.
“We are also coordinating with mental health partners to provide Psychological First Aid and psychosocial support to those affected,” ‘ika nila.
“We urge the public to refrain from spreading unverified information and sharing sensitive photos, videos, or details about the incident, especially since minors are involved,” paalala naman nila.
Samantala, bukod pa rito, naglabas na rin ng pahayag ang AdZU kaugnay sa pamamaril at sinabi nilang nagdadalamhati sila sa nangyari.
Tiniyak naman ng AdZU na kapakanan at kaligtasan pa rin ng mga estudyante nila ang kanilang pangunahing prayoridad.
KAUGNAY NA BALITA: Ateneo de Zamboanga University, nagsalita sa shooting incident