Nagdulot ng abala at mabigat na daloy ng trapiko ang isinagawang pag-aaspalto ng kalsada sa kahabaan ng EDSA Guadalupe hanggang Shaw Boulevard bilang bahagi ng proyektong EDSA Rehabilitation noong Linggo, Agosto 23.
Batay sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Agosto 24, nakipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa Department of Public Works and Highways (DWPH), na nangangasiwa sa pagsasaayos ng EDSA, para mapatawan ng multa ang nakatalagang kontraktor dito.
Anila pa, wala ring flagmen na naka-deploy sa lugar na makatutulong sana para gumabay sa trapiko at mga motorista dumadaan dito.
Banta ng MMDA, posibleng umabot sa ₱50,000 ang maaaring kaharaping multa ng kontraktor ng rehabilitasyon.
Matatandaang unang isinulong ni Sen. Ping Lacson ang imbestigasyon ng Senado sa rehabilitasyon ng EDSA noong nakaraang Huwebes, Agosto 13, matapos lumitaw ang mga bagong lubak sa ilang bahagi ng pangunahing lansangan bundos ng ilang araw na pag-ulan.
MAKI-BALITA: Bako-bakong kalsada sa bagong renovated portion ng EDSA, iimbestigahan ng Senado!