August 23, 2026

Home FEATURES Trending

‘Bawal maging kuwento!’ Hiking experience ng isang netizen, kinatuwaan

‘Bawal maging kuwento!’ Hiking experience ng isang netizen, kinatuwaan
Photo courtesy: Lumbayag (FB screenshot)

“POV: Natuloy na yung hiking n’yo kaso mali yung site.” 

Ito ang caption ng isang netizen sa kaniyang viral Facebook reel matapos magmistulang engkwentro sa bundok ang kaniyang naging hiking experience. 

Sa Facebook reel ng netizen na may username na “Lumbayag,” mapapanood na tumatakbo siya pababa sa bundok habang nasa likod ang ilan niyang kasamahan. 

Kasama pa sa nakatatarantang kuha ng pagtakbo nila, maririnig din ang putukan ng mga baril sa background. 

Sa kabila nito, makikitang nakangiti pa rin ang hiker habang tumatakbo pababa ng bundok. 

Trending

Lalaking pinakyaw paninda ng isang kakanin vendor, kinaantigan

Habang hindi binanggit ng hiker sa Balita ang partikular na pangalan at lugar ng inakyat nilang bundok upang maiwasan na posibleng mapasama ang lugar, nilinaw niyang sound effects lang ang maririnig na putok ng mga baril.

Dagdag pa niya, naging trip lang ng mga kaibigan niyang tumakbo rito pababa.