Nagbigay ng kaniyang pahayag si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force head Gabriel Go matapos kuyugin ng batikos ng mga netizen dahil sa naging paraan niya ng paninita sa isang male teacher na nagmamaneho ng motorsiklo pero walang suot na helmet.
Hindi nagustuhan ng mga netizen, lalo na ng mga kabarong guro, ang naging paraan ng paninita ni Go sa nabanggit na guro, na nagkaroon ng paglabag hinggil sa pagsusuot ng helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.
Kilala si Go sa pagpo-post sa social media ng kaniyang isinasagawang paninita sa mga lumalabag sa road-clearing operations at pagpapatupad ng traffic at sidewalk regulations in Metro Manila.
Noong Martes, Hulyo 14, ibinahagi ni Go ang pagsita niya sa isang lalaking nakamotorsiklo subalit walang helmet.
Batay sa suot na uniporme, ang nabanggit na violator ay isang guro.
"Teacher ka po sir, dapat ikaw ang better example sa kabataan. Tandaan natin, the school is our second home at ang mga guro ang tumatayong magulang…" mababasa sa caption ng kaniyang video post.
Habang hinihingi ang lisensya at ORCR ng motorsiklo, tinanong ni Go kung ano ang trabaho ng hinuli. Dito na nagsabi ang hinuli na isa siyang guro.
"Teacher ka tapos wala kang helmet? Paano naman natin tuturuan ang ating mga estudyante kung ganun?" saad naman ni Go sa video, habang nagso-sorry naman sa kaniya ang guro.
Batay naman sa video, nakiusap ang guro na kung maaaring huwag na siyang videohan, subalit sinabi ni Go na ibe-blur naman daw ang mukha niya. Sinabi rin niyang huwag na lang siyang magpakilala.
Mababasa naman sa comment section ng post ang pagpuna ng mga netizen kay Go.
Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Go.
Maki-Balita: 'Dapat ikaw ang better example sa kabataan!' Gabriel Go, binatikos sa 'pamamahiya' sa sinitang teacher
Sa hiwalay na post ay nagbigay naman ng reaksiyon at pahayag si Go sa mga natanggap na batikos mula sa mga netizen, lalo na sa sektor ng edukasyon.
"Ang problema natin kalsada transcends beyond mga motorista or mga naglalakad, whatever your profession you are never ENTITLED FOR EXEMPTION," aniya.
"This goes to show that the problem of disorder on our streets is not just about the implementation of the law. It also raises questions about the role of our schools in shaping discipline, responsibility, and respect for rules. Schools are meant to be a second home, and teachers are expected to serve as guardians and role models for the youth."
"Being part of the academe or being a teacher does not excuse anyone from following basic rules and regulations. In fact, educators are expected to uphold a higher standard because their actions influence the next generation."
"Ang mas nakakalungkot, nahuli na nga dahil sa paglabag, nag-attempt pa umanong tumakbo. Kung ganito ang ipinapakitang halimbawa ng ilan sa mga inaasahan nating humuhubog sa kabataan, marahil panahon na ring pagnilayan kung paano natin mas mapapalakas ang kultura ng accountability, disiplina, at pagiging huwaran sa loob ng ating educational system."
"The hard pill to swallow, this is the system and culture that we need to change or else progress will always just be a dream for us Filipinos…" aniya pa.