August 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Mangingisdang 4 na araw nang nawawala, patuloy na pinaghahanap

Mangingisdang 4 na araw nang nawawala, patuloy na pinaghahanap
Photo courtesy: Coast Guard District Southern Tagalog (FB)

Nagpapatuloy ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 42-anyos na mangingisdang nawala habang nangingisda sa Pacific fishing grounds noong nakaraang Biyernes, Agosto 21. 

Batay sa abiso ng PCG nitong Martes, Agosto 25, ang mangingisda ay kinilala bilang si Denver Pumarada.

Si Pumarada ay residente ng Sitio Dinahican, Infanta, Quezon at may taas na 5’3 ft., katamtaman ang pangangatawan, may hikaw sa kaliwang tenga, tattoo sa kaliwang braso, at huling nakitang nakasuot ng itim na damit pang-itaas at asul na shorts. 

Sa paunang ulat ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Infanta, naganap ang insidente ng pagkawala bandang 5:30 ng umaga noong Agosto 21 sa tinatayang 21 nautical miles, hilagang-silangan ng Sitio Bongliw, Panukulan, Quezon. 

Anila, tumalon umano si Pumarada sa mula sa kaniyang fishing banca na “FBCA Rheel Andrei” para sagipin ang kanilang lambat. 

Probinsya

'Youth Heroism Award,' iginawad ng DILG, NYC, sa nasawing estudyante sa Tacloban school shooting

Sa nasabi ring fishing banca, may naiulat na kasama si Pumarada na 18 crew members. 

Bagama’t agad na hinanap umano si Pumarada ng kaniyang mga kasamahan, hindi na nila ito nakitang umahon muli. 

Saad ng PCG simula nang matanggap nila ang ulat ng pagkawala ni Pumarada, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga manginigsda sa paligid para paigtingin ang paghahanap. 

Isa na ring abiso sa radyo ang inilabas ng PCG para hikayatin ang mga maglalayag na fishing vessels na maging mapagmatyag sa posibleng pag-ahon o anumang senyales ni Pumarada. 

Kahapon, Lunes, Agosto 24, wala pang sighting ang naiulat ng PCG.