August 23, 2026

Home BALITA National

Facebook, posibleng ipa-block ng CICC sa Pilipinas

Facebook, posibleng ipa-block ng CICC sa Pilipinas
Photo courtesy: Unsplash

Kinokonsidera ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagpapa-block ng social media platform na Facebook sa bansa kasunod ng karumaldumal na insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) noong Martes, Agosto 18. 

MAKI-BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!

“Hindi ‘to usapin ng misinformation, disinformation lang. Ang usapin dito yung proteksyon na ng mga bata, ng kinabukasan na ng Pilipinas,” saad ni Usec. Renato Paraiso sa panayam niya sa radyo noong Biyernes, Agosto 21, 

Inamin naman ni Paraiso na posible ring magalit ang maraming Pinoy sakaling maipatupad ang Facebook ban dahil isa ito sa mga nangungunang social media platforms sa bansa. 

Ngunit naninindigan siyang isa ang posibleng pag-ban sa solusyon nila para mahikayat ang CICC na magkaroon ng mahigpit na guidelines ang Meta, na parent company na nagpapatakbo ng Facebook.

National

Recantation ni Orly Guteza, 'di dapat hanggang doon na lang—Sen. Lacson

“Capability-wise kaya natin [CICC] sila [Meta] pasunurin. Gawin natin yung ginawa natin sa Roblox, ‘We gave you time to comply. Kapag hindi ka nag-comply, na kailangan mong mag-set up ng office here, that’s one. Kailangan mong ayusin yung age verification at i-tie up either sa bridges system natin or sa National SIM Registration Act natin para naman sa mga ganitong pangyayari in the future makilala natin sino yung mga mga gumagawa ng karumaldumal na [gawaing ‘yan] or kapag hindi ka sumunod, i-geo block ka namin until such time na mag-cocomply ka na,’” paliwanag ni Paraiso.

Dagdag pa niya, “Ang sinasabi naman natin, ‘hindi arbitrary na iba-block namin kayo [Meta].’ Ang sinasabi natin, mag-comply naman kayo. If you’re doing business here, if you’re enjoying the Philippine market, it’s only right na kilalanin ang country kung saan ka kumikita, yung mga batas where you’re doing your business.” 

Sa kabila nito, tiniyak ni Paraiso na naiintindihan pa rin nila sa CICC ang malaking benepisyo ng Facebook sa bansa, partikular sa mga gumagawa ng vlogging at content creation bilang pangkabuhayan nila. 

“I understand na maraming magagalit kasi nga may sarili ng ecology ‘yan [Facebook] at marami nang taong kumikita na d’yan as a profession. We recognize yung vlogging, content creation–it’s already a legitimate profession here in the Philippines,” saad ni Paraiso.