August 22, 2026

Home FEATURES Trending

Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero
Photo courtesy: San Andres Manila Fire & Rescue Volunteer Association INC. (FB screenshot)

Matagumpay na nasagip na dalawang bumbero ang isang asong naipit sa nasusunog na bahay sa Brgy. 107 Tenco St., Pasay City noong Biyernes, Agosto 21. 

Mapapanood sa viral Facebook reel ng San Andres Manila Fire and Rescue Volunteer Association na sinusubukang lumusot ng aso sa balkonahe ng nasusunog na bahay para makalabas.

Sa kasagsagan ng kaguluhan, matapang na inakyat ng dalawang bumbero balkonahe para mabuhat ang aso at ligtas itong mailayo sa sunog.

Kinumpirma ng San Andres Manila Fire and Rescue Volunteer Association sa Balita na ligtas na naibalik ang aso sa may-ari nito. 

Kinilala rin nila ang dalawang bumbero na sina Jamphy Belchez and Jimari Lao.

Trending

#BalitaExclusives: Saksakan ng kuryente, nagsiklab matapos mabasa ng ulan!

Batay naman sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), apat na residente ang nasawi mula sa sunog.