August 22, 2026

Home BALITA National

Recantation ni Orly Guteza, 'di dapat hanggang doon na lang—Sen. Lacson

Recantation ni Orly Guteza, 'di dapat hanggang doon na lang—Sen. Lacson
Photo courtesy: Senate PRIB, MB

Idiniin sa publiko ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi dapat umanong matapos na lang sa recantation ang kakaharapin ni retired Marine TSgt. Orly Guteza kaugnay sa pagbawi nito ng kaniyang salaysay sa pagdadala ng mga male-maletang pera kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez noon. 

Matatandaang kumalat sa mga balita ang recantation na ito ni Guteza, gabi noong Miyerkules, Agosto 19, 2026, tungkol sa kaniyang bagong affidavit na nakapetsa noong Agosto 13 at isiniwalat niyang nadala lang umano siya sa mga matatamis na salita nina Sen. Rodante Marcoleta at dating mambabatas na si Mike Defensor.

Sa post ni Lacson sa kaniyang “X” account noong Biyernes, Agosto 21, sinabi niyang may ipinasa raw nila ang batas na Republic Act No. 11594 noong Oktubre 2021 na nagpalakas na pagpapataw ng parusa sa kasong perjury sa “prision mayor.” 

Tumutukoy ito mula sa anim at isang araw hanggang 12 na taon na pagkakakulong ng isang taong mapapatunayang hindi totoo sa kaniyang mga salaysay o affidavit. 

Dagdag pa, nakasaad din sa naturang batas na binanggit ni Lacson ang pagmumulta ng mga may kasong perjury ng hindi lalampas sa ₱1,000,000 at diskuwalipikasyon sa hinahawakan nilang puwesto sa gobyerno, mga ahensya, entidad, at iba pa. 

National

Torre sakaling lumaban sa 2028: 'Whole new different ball game for me!'

“Orly Guteza’s recantation should not end there,” pagsisimula ni Lacson. 

Diin pa niya, “Republic Act No. 11594 which we passed in October 2021 has increased the penalty for perjury to ‘prision mayor’.” 

Screenshot mula sa “X” post ni Lacson. 

Pagpapatuloy ng senador, dapat din daw na managot ang sinoman man na mapapatunayang nang-udyok sa isang tao na mag-commit ng perjury. 

“Further, a person who induces another to commit perjury is also liable for being a principal by inducement,” pagtatapos pa niya. 

Tila kumatig naman ang netizens sa naturang pahayag ni Lacson. Narito ang ilang komentong iniwan nila sa kaniyang post: 

“AGREE PO! Charges should really be filed against him/them, because recantation like this not only exacerbate our already fractured political system but also undermine our justice system.” 

“Dapat lang po Sen. @iampinglacson para di na gayahin nang iba at wala nang malakas loob na gumawa pa nyan feeling nila they can getaway in what they have done... Ginawa nilang tanga ang sambayanang Filipino.” 

“Let the hammer fall, Sen Ping!” 

“Who will file the charges? Bakit ang lakas ng loob gumawa ng kwento? Style nila yan para guluhin at lihisin ang kaso. Wala pa yatang nakukulong sa perjury na ganyan.”

KAUGNAY NA BALITA: Pangulo, 'walang reaksiyon' sa recantation ni Orly Guteza—Palasyo

KAUGNAY NA BALITA: 'Sana makulong kayong dalawa!' Guanzon, binanatan sina Guteza at Romualdez