August 23, 2026

Home BALITA

Sec. Dizon, payag mura-murahin: 'Dapat lang naman talaga!'

Sec. Dizon, payag mura-murahin: 'Dapat lang naman talaga!'
Photo Courtesy: DPWH (FB)

Sa halip na pigilan, hinihikayat pa ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang publiko na murahin ang ahensiyang pinangangasiwaan niya.

Sa ulat  ng GMA Integrated News noong Sabado, Agosto 22, sinabi ni Sec. Dizon na paulit-ulit daw siyang tinatanong kung ayos lang ba sa kaniya na nagagalit ang taumbayan sa DPWH.

“Murahin n'yo kami sa YouTube, okay lang. Ang importante ho, naririnig namin ang hinaing ninyo. At naririnig po ng pangulo 'yon,” saad ni Sec. Dizon.

Dagdag pa niya, “Alam n’yo, paulit-ulit hong natatanong ako. ‘Okay lang ba na nagagalit ang taumbayan sa DPWH. Sabi ko, okay lang. E, dapat naman talagang magalit, e. “

Isa sa mga binanggit na halimbawa ni Sec. Dizon na dapat umanong ikagalit ng mga mamamayan ay ang pagkasira ng strawberry farm sa Benguet dulot ng pagbaha sa kabila ng pagkakaroon ng flood control project sa lugar.

Metro

2 mangingisda, nasagip matapos mawala sa dagat nang 20 oras

Bukod sa Cordillera, personal ding pinuntahan ni Sec. Dizon kasama si Cabinet Sec. Benhur Abalos ang lalawigan ng Paombong at Hagonoy noong Sabado para tingnan ang sitwasyon ng deka-dekada nang suliranin ng baha sa Bulacan.

Ito ay alinsunod umano sa utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na unahin ang pagsasaayos ng mga palpak na flood control project sa Bulacan.