August 22, 2026

Home FEATURES Trending

Pasahero, pinakisuyuan ng tsuper replayan chat sa kaniya

Pasahero, pinakisuyuan ng tsuper replayan chat sa kaniya
Photo courtesy: 4ramae (TikTok screenshot)

Nagmistulang “next level passenger princess”’ ang isang pasahero matapos siyang utusan ng drayber ng sinasakyang jeep na basahin at mag-reply sa natanggap na chat sa phone nito habang pumapasada. 

Mapapanood sa viral TikTok reel ni Mae noong Miyerkules, Agosto 12, na habang nakaupo sa likod ng drayber, hawak niya ang phone nito at nagpapadala ng reply dito. 

Makikita ring nagtatanong si Mae sa drayber na tila nagtatanong sa isasagot niya sa ka-chat nito. 

Sa caption ay mababasa, “POV: Nasa likod ka ni kuya driver kaya nakisuyo s[i]yang basahin at reply-an mo yung chat sa kan[i]ya.” 

Dahil sa kakatwang ganap na ito sa pagitan ng drayber at kaniyang pasahero, kasalukuyan nang umani ng 26.5K reactions ang reel. 

Trending

Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

Karamihan pa ng mababasa sa comment section ay netizens na nagtatanong kung tungkol saan ang chat at mga pang-aasar. 

Habang ang ilan, nakuha pang magbahagi ng sarili nilang karanasan sa pag-cocommute. 

“Tungkol saan yung chat? Tsismosa ako.”

“magugulat siguro yung ka-chat kung bakit maayos yung typings ”

“Yung iba ngayon hirap na hirap sa pag-aapply, sayo trabaho lumalapit e”

“Eto ata yung phrase na ‘if he wanted to,he would’”

“multi tasking talaga ang aming bff”

“Nung pasahero ka lang tapos bigla kang naging pahinante ”

“yung nangyari naman sakin pinasagot ni manong driver yung tawag ng asawa nya, ayun tuloy napagbintangan pang babae daw ako ni manong natawa ako nung tinanong kung babae daw ba nya ako. lalong nagalit si ate ”