August 22, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara
File Photo

Huling natapos sa ika-16 na araw ang paggulong ng Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte noong Lunes, Agosto 17, 2026, at naantala ito sanhi ng masamang panahon nitong nakaraang Martes, Agosto 18, at Miyerkules, Agosto 19. 

Kasalukuyan nang umupo sa witness stand ang hostile witness ng House prosecution panel na si dating Special Disbursing Officer (SDO) ng Office of the Vice President (OVP) na si Gina Acosta. 

Matatandaang isa sa naging mainit na usapin noong ika-16 araw ng impeachment trial ang tungkol sa naging pagkukumpirma ni Acosta na inutos umano ni VP Sara na ibigay ang nakubra niyang ₱125 milyong confidential funds kay dating Vice Presidential Security and Protection Group (VPSG) head na si Col. Raymund Dante Lachica.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga pinuntusang salaysay ng Prosecution sa pagtestigo ni Gina Acosta!

Dahil dito, maaari na nga iba pang ipatawag mismo ng prosecution si VP Sara at ituring bilang hostile witness ng Korte dahil sa pagkukumpirma ni Acosta sa pag-uutos umano na ibigay ang naturang halaga ng confidential funds kay Lachica? 

Human-Interest

ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

Sa naging pahayag ng House prosecutor na si Bicol Saro Rep. Terry Ridon sa ikinasa nilang “Saturday News Forum” sa Kamara nitong Sabado, Agosto 22, sinabi niyang hindi pa raw nakakapagdesisyon ang prosecution kung ipapatawag nila si VP Sara at may karapatan naman daw ito na tanggihan ang imbitasyon nila. 

“Hindi pa po namin ito napagpapasiyahan. Syempre, meron naman pong right to refuse ‘yong nasasakdal kung isasalang siya ng prosecution,” pagsisimula niya. 

Ngunit pagtitiyak ni Ridon, isasailalim naman daw nila sa cross examination si VP Sara kung mapagdesisyunan nitong tumestigo para sa defense panel at magtatanong daw sila ng mga espisipikong usapin alinman sa mga nasasaad na alegasyon sa Articles of Impeachment. 

“Pero example  kung isasalang po ito ng defense panel, of course the Vice President will be subject to cross examination. We will ask her a very specific questions relating to any of the Articles of Impeachment,” aniya. 

Preno naman ni Ridon, bagamat lagi raw napag-uusapan kung pasisipotin si VP Sara sa Korte, minamabuti pa rin daw ng prosecution na ipatawag ang mga testigong mas maaaring isalang nang hindi pinapapunta sa paglilitis ang bise presidente, at gagawin daw nila ang paraang ito hanggang sa dulo. 

“Lagi naman po ‘yang napag-uusapan kung marapat ba mapa-subpoena ang ating Pangalawang Pangulo,” saad niya. 

“Pero tingin naman namin, kung meron pang ibang mga testigo na puwede pang isalang, nang hindi kailangang ang Pangalawang Pangulo ang hindi isalang, ‘yan po ‘yong ginagawa namin at gagawin namin sa mga susunod pang panahon,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nakatakdang magpatuloy ang Senate impeachment trial sa darating na Lunes, Agosto 24, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Marites ng impeachment!’ Rep. Pulong, binira si Atty. Kapunan

KAUGNAY NA BALITA: Prosecution, pabor sa 4 na araw kada linggo na impeachment trial vs VP Sara