Ipinagmalaki ni Miss Earth Philippines 2025 at host Joy Barcoma ang mensaheng natanggap niya mula sa internationally renowned Filipino fashion designer na si Michael Cinco, matapos ang kaniyang hosting stint sa "Reina Filipinas 2026."
Sa facebook post niya nitong Lunes, Agosto 10, ibinahagi ni Barcoma ang screenshot ng private message ni Cinco sa kaniya sa Instagram kung saan pinuri nito ang performance niya bilang isa sa mga host ng event, kasama si Mr. World Philippines 2025 1st runner-up Sean Kyle Ortega.
“Hello, Joy! I really enjoyed your hosting at Reina Filipinas. I love how effortlessly you speak with such eloquence, wit, and impeccable grammar. You and Sean are truly the best hosts ever!” mababasang mensahe ni Cinco.
Hindi rin itinago ni Cinco ang paghanga sa ipinakitang talento ni Barcoma, na aniya ay naging bahagi ng dahilan kung bakit naging mas enjoyable at memorable ang naturang event.
“I’m so proud and happy to have witnessed such amazing talent. You made the whole event even more enjoyable and memorable,” saad ni Cinco.
Sa huli, isang pagbati rin ang ipinahatid ng designer sa host:
“Congratulations, Joy! You were absolutely brilliant!”
Dahil dito, ibinahagi ni Barcoma ang kaniyang saya at tinawag itong kanyang “biggest flex today”, lalo na’t mula mismo sa isang kilalang personalidad sa industriya ng fashion ang natanggap niyang papuri.
“Maraming salamat po sa overwhelming support after our Reina Filipinas hosting stint! Feels so good to be recognized for your craft!” saad ni Barcoma sa kanyang post.
Nagpasalamat din siya kina Nawat Itsaragrisil, Jojo Bragais, Ms. Emma Tiglao para sa oportunidad na maging bahagi ng Reina Filipinas, gayundin sa mga sumuporta sa kanilang hosting stint.
“Salamat din kina Papa Nawat, Sir Jojo, and Ms. Emma for the opportunity! Pati sa inyong lahat kasi grabe ang RF fever natin!” aniya.
Samantala, ibinahagi rin ni Sean ang pagpuri sa kaniya ni Cinco sa performance nila ni Joy.
Maki-Balita: Joy Barcoma, 'tunay na winner' sa pa-abs ng co-host sa Reina Filipinas