September 01, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Ano ang puwedeng maging dulot ng haze o maruming hangin sa tao?

ALAMIN: Ano ang puwedeng maging dulot ng haze o maruming hangin sa tao?
MB file photo

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) na dahil sa hanging habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.

Ayon sa health bureau, ang haze ay maruming hangin na may halong maliliit na usok o alikabok mula sa sunog at abo. 

AIR QUALITY SA METRO MANILA, "ACUTELY UNHEALTHY"

Sa ulat ng Manila Bulletin nitong Martes, Setyembre 1, nakapagtala ang 11 sa 15 monitoring stations sa National Capital Region (NCR) ng "acutely unhealthy" air quality base sa fine particulate matter (PM2.5) readings ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB).

EPEKTO NG HAZE

BALITAnaw

#BALITAnaw: Buhay na may saysay ni ex-Pres. Ramon Magsaysay, Sr.

Maaaring magdulot ang haze, ayon sa DOH, ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika.

Ipinapayo ng ahensya ang dobleng pag-iingat para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG BANTA NG HAZE

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, nagbigay ang DOH ng ilang mga bagay na dapat gawin para maiwasan ang banta ng haze. 

1. Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari
2. Magsuot ng N95 mask kung lalabas ng bahay
3. Isara ang mga pintuan at gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang
4. Gumamit ng head lights o fog lights kapag bibiyahe sa gabi at malabo ang paligid.

Kung kinakailan naman ng tulong, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911.