August 30, 2026

Home FEATURES Trending

Banda sa Pampanga, tuloy sa pagtugtog kahit lagpas-tuhod na ang baha

Banda sa Pampanga, tuloy sa pagtugtog kahit lagpas-tuhod na ang baha
Photo courtesy: Bagna Drumbeaters - Malolos, Bulacan (FB screenshot)

“Ikulong na yan mga kurakot!” 

Ito ang sigaw ng Bagna Drumbeaters kasabay ng pagpalo sa mga buhat nilang tambol sa kasagsagan ng lagpas-tuhod na baha sa Candaba, Pampanga noong Sabado, Agosto 29. 

Mapapanood sa nag-viral na Facebook reel ng bandang Bagna Drumbeaters na bukod sa mga tambol, may ilan ding miyembro ng banda nilang umiihip ng trumpeta bilang pangkumpleto sa ritmong tinutugtog nila. 

Sa caption naman ay mababasa ang tila isang panawagan sa pamahalaan hinggil sa nagpapatuloy na pag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects. 

“[I]isa ang sigaw ng bagna Drumbeaters, ang taong bayan, at ang mga taga candaba pampanga na sobrang nalubog ng baha dahil sa flood control na ginawa ng mga buwaya. IKULONG NA YAN MGA KURAKOT!!! IKULONG NA YAN MGA KURAKOT!!” madamdaming saad ng Bagna Drumbeaters. 

Trending

#BalitaExclusives: ‘OFW sa Makati?’ Ang kuwento sa likod ng ‘United States of Makati’ trend

Sa hiwalay pang videos, binanggit ng Bagna Drumbeaters sa kanilang caption na dumayo sila sa Candaba para ipagdiwang ang selebrasyon para kay San Agustin. 

“[S]obrang solid at saya po ng fiesta sa [C]andaba. Kahit lumulutang na mga drums sobrang enjoy at saya, maraming salamat po sa pagtiwala!! Viva Viva Apung Gustin,” saad ng Bagna Drumbeaters.