Kinaaliwan ng mga netizen si Miss Earth Philippines 2025-turned-TV host Joy Barcoma matapos hiritan ng biro ang naging co-host niya sa katatapos na "Reina Filipinas 2026," na si Sean Kyle Ortega, na itinanghal naman bilang first runner up ng Mr. World Philippines 2026.
Ibinahagi kasi ni Joy sa Instagram story niya ang "BTS" o behind-the-scene nila ni Sean kung saan nakahubad-baro at kitang-kita ang abs at magandang katawan.
Nasa tapat pa ng abs niya si Joy na kilalang witty at funny kaya sinakyan naman ito habang nakadila.
"Ako ang tunay na winner kagabi HAHAHAHAHAHAHAHAHA," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Joy Barcoma (IG)
Samantala, marami naman ang pumuri sa tandem ng dalawa sa pagho-host.
Ibinahagi ni Sean sa Instagram post niya ang pagpuri sa kaniya ng world-renowned, Dubai-based Filipino haute couture fashion designer na si Michael Cinco na isa sa mga umupong hurado sa nabanggit na pageant.
"Sean you are the best host ever...you should host international pageant..." mensahe sa kaniya ni Michael sa Instagram niya.
"Pinch me I must be dreaming," nasabi na lang ni Sean.
"Thank you sir Michael!! And Jose Joaquin Bragais so proud of you!!!" pahabaol na pasasalamat pa niya kay Michael, at kilalang shoe designer at entrepreneur.
Samantala, tinanghal na Reina Filipinas Grand International 2026 si Angelica Lopez (Palawan) habang Reina Filipinas MGI All Stars naman sina Alexie Caimoso Brooks (Iloilo City) at Anne Patricia Lorenzo Diaz (Manila).