September 01, 2026

Home FEATURES

'Walang N95 mask?' Alamin alternatibong paraan para maprotektahan sarili laban sa haze

'Walang N95 mask?' Alamin alternatibong paraan para maprotektahan sarili laban sa haze
MB FILE PHOTO, UNSPLASH

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng N95 mask laban sa haze. Dahil ito ay idinisenyo bilang proteksyon laban sa airborne particles. 

Dahil sa hanging habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia, ayon sa DOH.

Paliwanag ng health bureau, ang haze ay maruming hangin na may halong maliliit na usok o alikabok mula sa sunog at abo. 

Maki-Balita: ALAMIN: Ano ang puwedeng maging dulot ng haze o maruming hangin sa tao?

Sa ulat ng Manila Bulletin nitong Martes, Setyembre 1, nakapagtala ang 11 sa 15 monitoring stations sa National Capital Region (NCR) ng "acutely unhealthy" air quality base sa fine particulate matter (PM2.5) readings ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB). 

Human-Interest

ALAMIN: Saan nagmula ang pangalan ng buwang 'September?'

Gayunpaman, kung walang N95 mask narito ang ilang alternatibong paraan para maprotektahan ang sarili, ayon sa DOH:

BASANG PANYO O DAMIT

1. Itupi ang panyo o damit
2. Basain ng kaunting tubig
3. Gamitin pantakip sa ilong at bibig

DOUBLE-MASK METHOD

Kung mayroong standard o normal face mask, mainam na doblehin ang paggamit nito.

MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG BANTA NG HAZE

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, nagbigay ang DOH ng ilang mga bagay na dapat gawin para maiwasan ang banta ng haze. 

1. Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari2. Magsuot ng N95 mask kung lalabas ng bahay3. Isara ang mga pintuan at gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang4. Gumamit ng head lights o fog lights kapag bibiyahe sa gabi at malabo ang paligid.

Kung kinakailan naman ng tulong, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911.