August 30, 2026

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: Ang bagong kongresista ng Dasmariñas na si Jenny Barzaga

KILALANIN: Ang bagong kongresista ng Dasmariñas na si Jenny Barzaga
Photo courtesy: Mayor Jenny Austria-Barzaga (FB)

Isang miyembro muli ng pamilya Barzaga ang nahalal sa mas mataas na puwesto ng pamumuno sa Cavite matapos maiproklama si Dasmariñas City Mayor Jennifer “Jenny” Austria Barzaga bilang kapalit ng anak niyang si Francis “Kiko” Barzaga bilang representative sa ikaapat na distrito ng Dasmariñas City. 

MAKI-BALITA: Barzaga pa rin! Ermats ni Kiko Barzaga, waging kongresista sa Cavite

KAUGNAY NA BALITA: Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!

Naiulat nitong Linggo, Agosto 30, na nakakalap ng 201,893 boto si Jenny sa ikinasang special elections sa lungsod noong Sabado, Agosto 29. 

MAKI-BALITA: Eleksyon sa binakanteng posisyon ni ex-Rep. Barzaga sa Cavite, tuloy kahit maulan!

Human-Interest

#BalitaExclusives: 'Pagiging malikhain, mula sa imahinasyon at alaala na wala ang AI’—Mark Angeles

Dahil dito, sino nga ba si Jenny Barzaga na magsisilbi sa natitirang termino ng congressional seat ni Kiko Barzaga? 

Bago nakilala bilang kauna-unahang babaeng lider sa Dasmariñas City, si Jenny ay isang rehistradong nurse. 

Siya rin ang asawa ng pumanaw na si dating Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga at ina nina Kiko Barzaga, Elpidio “Third” Barzaga III, at Lorenzo “Enzo” Barzaga. 

Taong 2007, si Jenny ay nanilbihan bilang alkalde ng Dasmariñas City mula 2007 hanggang 2016; at mula naman 2016 hanggang 2019, siya ay naging kintawan ng ikaapat na distrito ng Cavite. 

Taong 2019, muli siyang bumalik sa pagiging alkalde ng Dasmariñas City.

Sa ulat ng United Cities and Local Governments Asia-Pacific (UCLG ASPAC), isa si Mayor Jenny sa mga nagtayo ng Kababaihan ng Dasmariñas sa Bagong Milenyo (KDBM), na isang all-women volunteer organization sa lungsod. 

Binanggit din dito na sa pamumuno ni Jenny, inilunsad sa Dasmariñas ang proyektong “Green E-Skwela; Energy Sustainability Project for the Public Schools,” para sa solar power ng 14 paaralan sa lungsod. 

Sa taong 2026, nakatakdang magbalik si Jenny sa Kamara para punan ang nabakanteng posisyon ng kaniyang panganay na si Kiko. 

Ayon sa mga ulat, 26 taon nang namumuno ang mga Barzaga sa Cavite, na sinimulan ni dating Mayor Pidi noong 1998.