Pinroklama na bilang kongresista sa ikaapat na distrito ng Cavite si Dasmariñas City Mayor Jennifer “Jenny” Austria Barzaga bilang kapalit ng anak niyang si Francis “Kiko” Barzaga.
Ayon sa mga ulat nitong Linggo, Agosto 30, nakakuha si Mayor Jenny ng 201,893 boto sa ikinasang special elections.
Nakatakdang mag-ulat si Mayor Jenny sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Martes, Setyembre 1.
Pupunan ni Vice Mayor Elpidio Barzaga III ang binakanteng puwesto ng kaniyang ina habang aabante naman bilang Vice Mayor ang first councilor na si Teofilo “Rudy” Lara.
Matatandaang nag-ugat ang naturang special elections sa pagpapatalsik kay Kiko sa Kamara noong Hunyo.
Sa botong 265 pabor, 14 tutol, at 8 abstention, inaprubahan ng Kamara ang rekomendasyon ng Committee on Ethics and Privileges na tanggalin si Barzaga sa kaniyang puwesto dahil sa umano’y paulit-ulit na paglabag sa mga pamantayan ng asal bilang miyembro ng Kamara.
KAUGNAY NA BALITA: Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!