Matagumpay na nasagip ang isang aso mula sa gumuhong 9-storey concrete building sa Balibago, Angeles City, Pampanga, kamakailan.
Batay sa Facebook post ng Angeles City Information Office noong Lunes, Mayo 25, biglang lumabas ang aso mula sa pagguho sa kasagsagan ng search and rescue operations.
Tiniyak ng local government unit (LGU) na kasalukuyan nang ligtas ang aso at isasailalim na ito sa masusing check-up sa ilalim ng pangangalaga ng City Veterinary Office ng Angeles City.
Matatandaang naiulat na gumuho ang 9-storey na gusali noong madaling araw ng Linggo, Mayo 24.
Bukod sa pagsasanib-puwersa ng iba’t ibang ahensya, ipinag-utos na rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang tulong sa mga biktima at kanilang mga kaanak.
MAKI-BALITA: 9-storey building sa Pampanga, gumuho; ‘rescue and retrieval,’ masusing isinasagawa
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, iniutos agarang tulong para sa mga biktima ng pagguho sa Angeles