Humingi ng paumanhin ang anak sa nag-viral na social media post noong Sabado, Agosto 15 hinggil sa pagkasawi ng kaniyang ama dahil sa umano’y mabagal na pagtugon na Unified 911 at kulang-kulang na mga kagamitan sa ambulansya pinadala nito.
MAKI-BALITA: Napamura na lang! Anak, namatayan ng tatay dahil sa delayed 911 response?
Sa Facebook post ni Basty Askri nitong umaga ng Linggo, Agosto 16, lubos ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa mga nabitawang emosyonal na salita patungkol sa 911 hotline ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Aniya, dala na rin ng paghihinagpis, galit, at pagkabalisa ang pagiging emosyonal sa nakaraang post.
“First, I would like to sincerely apologize for the inappropriate words I used regarding the 911 hotline. I was extremely emotional and overwhelmed by what was happening to my father at that time. I’m very sorry po,” saad ni Basty.
Nilinaw niya rin dito na kamakaila’y napagalaman niyang hindi mula sa 911 ang ipinadalang ambulansya pamilya niya.
“I recently found out that the ambulance from our barangay was not the ambulance dispatched by 911,” pag-amin ni Basty.
Ikinuwento niya rin na pagkatapos niyang tumawag sa 911, nakita niyang wala nang malay ang ama.
Kaya matapos ang dalawa hanggang tatlong minuto, pumunta na ang kuya niya sa barangay hall nila para humingi ng tulong.
Aniya, agad namang pumunta sa bahay nila ang barangay responders sa lugar nila.
“After I ended my 911 call, nakita ko na unconscious na ang tatay ko. After around 2–3 minutes, agad na pumunta ang kuya ko sa barangay hall para humingi ng tulong o assistance. After that, agad-agad namang pumunta sa bahay namin ang mga barangay responders,” saad ni Basty.
Dagdag pa ni Basty, dahil minadali raw ng kuya niya ang paghingi ng tulong at pagsakay sa ambulansya, hindi na raw niya masabi nang sigurado kung bakit may mga equipment o personnel na hindi kumpleto umano noong dumating sila para rumesponde.
“And regarding po sa equipment and personnel ng barangay ambulance, minadali talaga ng kuya ko ang paghingi ng tulong at pagsakay sa ambulance. Dahil sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko po masasabi nang sigurado kung bakit may mga equipment o personnel na hindi available noong dumating sila,” saad ni Basty.
“Ayoko rin pong mag-assume o magbigay ng maling impormasyon tungkol dito,” aniya pa.
Sa kabila nito, nagpasalamat si Basty sa barangay officials, responders, at drayber ng ambulansya ng barangay dahil sa agaran nilang pagtugon at pagtulong sa pamilya niya.
“Nagpapasalamat po ang buong pamilya namin sa mga barangay officials, responders, at lalo na sa driver ng barangay ambulance sa kanilang agarang pagtugon at pagtulong sa amin noong mga oras na iyon. Maraming maraming salamat po,” pagkilala ni Basty.
Batay naman sa phone call history niya, ibinahagi ni Basty na 12:18 ng tanghali nang matapos ang tawag niya sa 911.
Pagdating ng 12:18 ng tanghali, nakatanggap siya ng tawag mula sa ambulansyang kaugnay sa 911 response at tinanong rin dito kung nasaan ang pasyente.
Tumugon daw dito ang kapatid niyang babae na nasa ospital na sila ng kanilang pamilya.
“According to my phone's call history:
12:18 PM — My call with 911 ended.
12:38 PM — I received a call from the ambulance associated with the 911 response and asking if where is the patient and my sister response was that we are already in the hospital,” paglalahad ni Basty.
Dahil nakarating na raw sila sa ospital nang matanggap ang tugon ng 911, hindi na raw makukumpirma ni Basty kung nakarating na bahay nila ang ambulansya na dapat ay mula sa 911 response.
“And yes po by that time, nasa hospital na kami. Kaya hindi po namin personally makumpirma kung nakarating ba sa bahay namin ang ambulance na associated sa 911 response or kung ano ang nangyari sa response na iyon,” saad ni Basty.
Kinilala ni Basty na tinugunan na ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang insidente sa likod ng umano’y mabagal na 911 response.
Kaya ibinahagi niyang napagpasyahan niya at ng kaniyang pamilya na hindi muna sagutin ang mga katanungan sa insidenteng ito.
“Since this matter already raised with our Honorable Secretary Jonvic Remulla and the appropriate government authorities, ako at ang pamilya ko po ay nagdesisyon na huwag na munang sumagot sa mga katanungan tungkol sa incident na ito,” saad ni Basty.
“Ayaw na rin po naming gumawa ng karagdagang assumptions o accusations habang iniimbestigahan ang nangyari,” dagdag pa niya.
Kung sakali man daw na may mga pagkukulang at delays sa emergency response ng 911, hinahayaan na ni Basty na tugunan ito ng imbestigasyon ng mga awtoridad.
“But if there were failures or delays in the emergency response, hayaan po nating imbestigahan ng mga authorities kung ano talaga ang nangyari at kung ano ang kailangang ayusin sa sistema,” saad ni Basty.
“Ang tanging hiling lang po namin ay sana wala nang ibang pamilya ang makaranas ng ganitong sitwasyon,” aniya pa.