August 16, 2026

Home BALITA Metro

Taguig LGU, nakiramay sa pamilya ng pumanaw na ama sa nag-viral na 'delayed 911 response'

Taguig LGU, nakiramay sa pamilya ng pumanaw na ama sa nag-viral na 'delayed 911 response'
Photo courtesy: Basty Askri (FB), Taguig LGU (FB)

Ipinaabot ng Taguig local government unit (LGU) ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng naulilang ama sa nag-viral na mabagal na tugon ng Unified 911 hotline na reklamo ng actor-performer na si Basty Askri. 

MAKI-BALITA: Napamura na lang! Anak, namatayan ng tatay dahil sa delayed 911 response?

Sa inilabas na pahayag ng Taguig LGU sa kanilang “I Love Taguig” Facebook page nitong Linggo, Agosto 16, inihayag nilang ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya nina Basty.

Kinumpirma rin nila ritong nasa Maharlika Village, Taguig City ang pamilya nang maganap ang nakalulungkot na insidente. 

Anila, 12:17 PM noong Sabado, Agosto 15 nang matanggap ng Taguig Command Center ang tawag mula sa Unified 911 para sa ambulance assistance sa Maharlika Village dahil sa posibleng heart attack ng isang residente rito. 

Metro

3 aktibistang nanakit umano sa pulis noong Labor Day, sinupalpal ng arrest warrant!

Ang address daw na ibinigay ng 911 sa Taguig Command Center ay lot at block number lamang at walang street address o landmark. 

Kaya binanggit ng Taguig LGU na paulit-ulit sinubukan ng Taguig Command Center na makuha mula sa 911 ang kumpletong address ng pasyente. 

Ngunit hindi raw naibigay ng 911 ang kinakailangan nilang detalye para matukoy ang lokasyon ng pasyente. 

Sinubukan din daw ng Taguig Command Center tawagan ang contact number ng caller na ibinigay ng 911 ngunit hindi rin nasagot ang mga tawag na ito. 

Ibinahagi pa ng LGU na nakipag-uganayan ang Taguig Command Center sa Brgy. Maharlika at Brgy. Upper Bicutan para sa agarang tulong. 

Dagdag pa nila, sa pagnanais ng agarang tulong, nagtungo ang ilang kamag-anak ng pasyente sa Barangay Hall ng Maharlika, at sa kanilang pakiusap, agad daw na ipinadala ng Barangay ang kanilang Patient Transport Vehicle (PTV). 

Kasunod nito, agad na inihatid ang pasyente sa Taguig-Pateros District Hospital, kung saan, bandang 12:43 ng tanghali sila nakarating dito. 

Agad na binigyan ng medical intervention at resuscitative measures ang pasyente ngunit bandang 1:24 ng hapon, idineklara na ang pagpanaw nito. 

Dinagdag pa sa pahayag ng LGU na pumunta rin ang ambulansya sa Upper Bicutan sa Maharlika Barangay Hall para magtanong hinggil sa pasyente dahil wala pa rin sila umanong makuhang kumpletong impormasyon. 

Dito na nila nalamang dinala na ng PTV ng Maharlika ang pasyente sa Taguig Pateros District Hospital. 

Sa pagtatapos ng pahayag, inihayag ng Taguig LGU na handa na ang kanilang tanggapan na makipagtulungan at makapagbigay ng mga kinakailangang impormasyon sa anumang opisyal na imbestigasyon hinggil sa insidente. 

Matatandaang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa media noong Sabado, Agosto 15, na iniimbestigahan na nila ang alegasyong mabagal na tugon ng Unified 911. 

MAKI-BALITA: DILG, iniimbestigahan nag-viral na ‘delayed 911 response’

Inirerekomendang balita