August 16, 2026

Home BALITA Metro

DILG, iniimbestigahan nag-viral na ‘delayed 911 response’

DILG, iniimbestigahan nag-viral na ‘delayed 911 response’
Photo courtesy: DILG

Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa media noong Sabado, Agosto 15, na iniimbestigahan na nila ang alegasyon ng mabagal na tugon ng Unified 911 hotline, na reklamo ng isang actor-performer na si Basty Askri.  

Kasunod ito ng nag-viral na social media post niya matapos niyang banggiting namatay ang kaniyang ama dahil sa umano’y naging mabagal at kulang-kulang na medical assistance sa 911 hotline. 

MAKI-BALITA: Napamura na lang! Anak, namatayan ng tatay dahil sa delayed 911 response?

Ang naging pahayag din ni Remulla hinggil sa kanilang imbestigasyon sa insidente ay nakarating na sa kaalaman ni Basty Askri kasunod ng kaniyang Facebook update nitong Linggo, Agosto 16. 

Nilinaw dito ni Basty na nalaman niyang hindi mula sa 911 ang ipinadalang ambulansya sa kaniyang pamilya, bagkus, galing ito sa kanilang barangay. 

Metro

Incoming student-athlete ng La Salle na nasawi, nahulog mula sa 10th floor!

Kaya humingi siya ng paumanhin sa mga naging emosyonal na pahayag na dala ng paghihinagpis, galit, at pagkabalisa.

Sa ngayon, ibinahagi ni Basty na napagpasyahan niya at ng kaniyang pamilya na hindi na sagutin ang anumang katanungan hinggil insidente habang umaandar ang pag-iimbestiga rito nina Remulla at ng iba pang awtoridad. 

“Since this matter already raised with our Honorable Secretary Jonvic Remulla and the appropriate government authorities, ako at ang pamilya ko po ay nagdesisyon na huwag na munang sumagot sa mga katanungan tungkol sa incident na ito,” ani Basty. 

“Ayaw na rin po naming gumawa ng karagdagang assumptions o accusations habang iniimbestigahan ang nangyari,” dagdag pa niya. 

Saad din ni Basty, kung sakaling may mga pagkukulang at delay sa emergency response, ipinagpapaubaya na niya ang kumpirmasyon sa mga awtoridad. 

“But if there were failures or delays in the emergency response, hayaan po nating imbestigahan ng mga authorities kung ano talaga ang nangyari at kung ano ang kailangang ayusin sa sistema,” saad ni Basty. 

MAKI-BALITA: Anak na nag-viral sa umano’y delayed 911 response, humingi ng dispensa