Isiniwalat ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang mga umano’y dahilan kung bakit napaulat ang sunod-sunod na tala ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Sa press briefing na isinagawa ng PCO nitong Huwebes, Abril 30, inisa-isa ni Usec. Castro ang mga dahilan o salik ng pagbaba ng halaga ng piso, na aniya’y nagmula sa mga...
balita
'Cobra King' ng Leyte, patay sa tuklaw ng alagang ahas?
April 30, 2026
Oil price hike, posibleng magparamdam sa susunod na linggo!
Trillanes kay Pulong: 'Di mo kaya ipaglaban kapatid mo!’
#BalitaExlusives: Ang panitikan para sa estudyanteng nagwagi sa pambansang kompetisyon
Sanggol, patay sa hampas ng TV remote ng sariling ina!
Balita
Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na manatiling hydrated sa panahon ng tag-init sa pamamagitan ng hindi lang pag-inom ng tubig, kundi maging ng buko juice. Sa inilabas na video ng DOH nitong Miyerkules, Abril 29, para sa mga taong laging pinagpapawisan, nakabilad sa araw, tagaktak ang pawis sa trabaho o biyahe, o kaya naman ay kahit sa simpleng paglalakad lang, hindi rin daw...
Inilahad ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na maaaring mayroon pa raw silang ₱27 milyong budget para sa pagsasagawa ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Matatandaang napagbotohan na ng mga miyembro ng House Committee on Justice sa isinagawa nilang pagdinig noong Miyerkules, Abril 29, 2026, na ilipat sa plenaryo ng House ang impeachment cases laban...
Ipinahayag ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang kaniyang mga sentimyento kaugnay sa pag-usad ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Kasunod ito ng desisyon ng House Committee on Justice na ipagpatuloy ang paggulong ng kaso matapos nilang makita ang mga anila’y probable cause upang umusad ang nasabing impeachment. Sa social media post na ibinahagi ni Diokno noong...
Inanunsyo ng Malacañang na kumpirmado ngang idinetine at isinailalim kamakailan sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Ito ay matapos ihayag ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na hindi naman daw totoong nakulong si Co sa Prague. KAUGNAY NA BALITA: Buwelta ng Palasyo kay Harry Roque sa pagkakatiklo kay Zaldy Co: 'Bakit natin...
Nagsalita si Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III sa naging pahayag ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na hindi ang Kingdom of Jesust Christ (KOJC) founder na si Pastor Apollo Quiboloy ang may-ari ng private jet at helicopter na binili ng huli noon. Sa naging panayam kasi sa Headstart ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Trillanes noong Abril 27,...
Kinuwento umano ni Veronica “Kitty” Duterte sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa mga ginagawa nina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga. Matatandaang opisyal nang naging miyembro ng partidong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong Miyerkules, Abril 29, 2026, si Barzaga. Habang aktibo naman si Leviste sa...
Tinukoy ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima na si Vice President Sara Duterte umano mismo ang pinakamalakas na ebidensya laban sa kaniyang sarili at sa kinahaharap nitong impeachment. Kasunod ito ng isang unanimous decision mula sa House Committee on Justice noong Miyerkules, Abril 29, kung saan ang lahat, o ang 53 miyembro ng komite ay bumoto ng “yes” dahil...
Ipinahayag ng Supreme Court of the Philippines na isinantabi nito ang petisyong naglalayong pilitin ang Senado na agarang magpulong bilang impeachment court upang litisin ang mga sakdal laban kay Vice President Sara Duterte. Sa sesyon nitong Abril 29, 2026, na mababasa naman sa opisyal na Facebook page ng SC, ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petition for mandamus na inihain ni Catalino...
Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang month-ahead inflation forecast sa bansa mula 5.6% hanggang 6.4% ngayong buwan ng Abril. Batay sa anunsyo ng BSP nitong Huwebes, Abril 30, ang panganib ng inflation ay bunsod ng pagtataas sa mga presyo ng produktong petrolyo, pagkain tulad ng bigas, isda, at karne, singil sa kuryente, at paghina ng halaga ng piso. KAUGNAY NA BALITA: Piso, muling...