July 21, 2026

Home BALITA National

'As a lawyer!' VP Sara, pabor hanapin hustisya para kina Rene at Adili

'As a lawyer!' VP Sara, pabor hanapin hustisya para kina Rene at Adili
File Photo

Nakikita umano ni Vice President Sara Duterte na dapat na aksyunan ng naiwang pamilya ng nalunod na miyembro ng Ateneo Blue Eagles men’s basketball team na si Rene Clert Baterbonia. 

Sa naging pahayag ni VP Sara sa panayam sa kaniya ng media sa Davao City nitong Biyernes, Hunyo 12, 2026, sinabi niyang “actionable” araw talaga ang naging pagkasawi ni Baterbonia.

“As a lawyer, actionable ‘yong nangyari. Para sa akin actionable talaga ‘yong nangyari,” pagsisimula niya. 

Ani VP Sara, ayaw raw niyang gatungan o dagdagan pa ang usapin sa naturang pagkalunod ni Baterbonia dahil nagluluksa pa raw ang naiwang mga pamilya ng huli. 

“Hindi ko na lang gatungan ‘yong pamilya kasi alam mo mahirap ‘yong pinagdadaanan nila ngayon,” aniya. 

National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

Dagdag pa niya, “Iniisip pa nila ‘yong grief na pinagdadaanan nila. ‘Yong araw-araw magigising ka wala na ‘yong anak mo.” 

Payo ng Bise Presidente, dapat daw na magkonsulta sa abogado ang pamilya ni Baterbonia sa mga abogado kapag natapos na raw sila sa pagluluksa sa biktima. 

“So ayaw kong gatungan pero dapat sila, pagkatapos ng lahat na kailangan nilang gawin para sa burol at pagpapalibing ng kanilang anak, ay umupo sila at mag-isip kung ano ‘yong dapat na gawin nila para mabigyan ng hustisya ‘yong kanilang anak,” saad niya. 

“Gawin nila legally at magkonsulta ng abogado,” ‘ika pa niya. 

Tinitingnan pa raw ng Bise Presidente kung makakabisita siya sa burol ni Baterbonia sa Davao City. 

Matatandaang inihayag sa publiko ng abogadong si Atty. Israelito Torreon noong Huwebes, Hunyo 10, na siya at si Atty. Jimmy Bondoc daw ang tatayong abogado para sa pamilya ni Baterbonia. 

KAUGNAY NA BALITA: Torreon, Bondoc selyado na bilang abogado sa kaso ni Rene Baterbonia