Opisyal nang tatayo bilang mga abogado sina Atty. Israelito Torreon at Atty. Jimmy Bondoc ng naiwang pamilya ng pumanaw na miyembro ng Ateneo Blue Eagles Men’s basketball team na si Rene Clert Baterbonia.
Matatandaang opisyal na inanunsyo ng AdMU ang insidente ng pagkalunod ng dalawang miyembro ng kanilang koponan na sina Baterbonia at Nigerian student-athlete na suli Divine Adili noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
KAUGNAY NA BALITA - 'Akala ko training lang, hindi military training!'—Ina ni Rene Baterbonia
Sa naging pahayag ni Torreon sa panayam sa kanina ng media noong Miyerkules, Hunyo 10, sinabi niyang sila na ang magiging legal counsel para kay Rene noong gabi nh Martes, Hunyo 9.
“As early as last night they authorized task. May special power authority na kami, pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Lahat po ng mga letters, pinirmahan na po ng pamilya po.”
Ani Torreon, nagkataon daw kasi na kilala sila ng pamilya ni Rene kaya raw sila ang napili ng mga ito para tumayong abogado kaugnay sa naging insidente ng pagkalunod ng mga manlalaro.
“Nangyari po kasi ‘yong mga relatives nila, kilala ako kasi taga-Davao ako, taga-Mindanao ako,” aniya.
Paglilinaw ni Torreon, nakipag-ugnayan daw sila kay Agusan Del Sur Governor Santiago Cane, Jr., para mapalapit sa pamilya ng mga biktima.
“That time, nasa eroplano pa po sila. And I had to coordinate with Gov. Cane kaya ganoon po ang nangyari” ‘ika niya
“I was able to finally contact the family through my associates sa kasama namin sa opisina namin ni Atty. Jimmy Bondoc,” pagtatapos pa niya.
Samantala, matatandaang isinapubliko ni Aurora Provincial Director PCol. Percival Pineda noong Hunyo 9 na “purely accident” at hindi raw talaga inaasahan ang naging pagkalunod nina Rene at Divine.
KAUGNAY NA BALITA:Aurora police sa pagkalunod nina Rene at Divine: 'Purely accident, hindi inaasahan!'