July 23, 2026

Home BALITA National

Pagpunta ni Sen. Robin sa burol ni Rene Baterbonia, umani ng reaksiyon

Pagpunta ni Sen. Robin sa burol ni Rene Baterbonia, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Ibinida ni Sen. Robin Padilla ang pagdalaw niya sa burol ng pumanaw na Ateneo Blue Eagles basketball player na si Rene Baterbonia, na nakaburol sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City.

Makikita sa Facebook post ni Padilla nitong Huwebes, Hunyo 11, na suot pa niya ang uniporme ng pumanaw na 19-anyos na basketbolista dahil sa pagkalunod, sa isinagawang team-building activity at training kasama ang Nigerian student athlete na si Divine Adili, sa isang beach sa Aurora.

"The world was his, but gone too soon!" saad ni Padilla sa caption kalakip ang mga larawan niya habang suot ang basketball uniform ni Rene.

Sa isa pang larawan, makikita ang pamosong fist bump na simbolo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na madalas na ikinakamao ng mga DDS o "Diehard Duterte Supporters."

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga pumuri sa ipinakitang pakikiramay ng senador subalit may mga pumula at bumatikos din dahil sa pagsakay umano sa hot topic na pagkamatay ng atleta. Sinita rin ng ilan ang pagsuot ng senador sa jersey ng pumanaw na basketbolista.

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

May mga nagtanggol din at nagsabing kusang nakipag-ugnayan ang pamilya ni Baterbonia sa senador para humingi ng tulong, at pinagbigyan naman ng senador. 

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na makikita sa comment section ng post.

"Ito ang isa sa pnka mabilis mag bigay ng tulong sa kahit na sino… ang iba nagpapa presscon pa lang at nag memeeting, si Robin Padilla nka punta na…"

"Wearing that deceased athlete’s jersey like he had an important role on the kid’s journey."

"Epal yarn?"

"Mapa pelikula o sa tunay na buhay talagang dapat bida."

"I really admire Sen. Robin's kindness. Natural na sa kanya ang pagiging matulungin. Kahit walang publicity, kahit di nya ipagkalat, alam mong handa siyang tumulong sa mga nangangailangan. People can say whatever they want pero hindi mababago ang respeto at paghanga ko sa taong to. For me isa siyang taong may mabuting puso at tunay na malasakit sa kapwa."

"Tulongan mo sila senator Padilla makamit nila ang justice."

"Diversionary tactic!"

"Kayabangan pa rin...dudirty sign pa ang dala dala..."

"Sen Robin Padilla...please help mo ang pamilya, at mga kapatid na makatapos sa pag aaral."

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o pahayag ang senador tungkol dito.