Nagsalita na ang ama ng nalunod na miyembro ng Ateneo Blue Eagles men’s basketball team na si Divine Adili at nanawagan ito ng hustisya para sa mapait na sinapit ng kaniyang anak.
Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Ateneo de Manila University ang naging pagkasawi nina Adili at rookie na si Rene Clert Baterbonia sa ginanap nilang team building sa Aurora noong hapon ng Lunes, Hunyo 8, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: 'As a lawyer!' VP Sara, pabor hanapin hustisya para kina Rene at Adili
Sa naging pahayag naman ng ama ni Divine na si Elias Adili sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Hunyo 12, sinabi niyang gusto raw niyang magkaroon ng hustisya ang sinapit ng kaniyang anak.
“I want justice for my Son Chukwuemeka Divine Adili who along [with] others stood in for Nigeria in the All Nation Tournament in Philippines in 2024,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Nigeria won he was ranked 6th best, he gave his all to ATENEO BLUES 3rd ranked University in Philippines.”
Ani Elias, sobra daw nasaktan ang pamilya nila sa naging pagkalunod ni Divine dahil sa “carelessness” o kawalang-bahala ng ADMU.”
“Divine your Family is highly pained and devastated by your demise out of carelessness, you evaporated like a steam out of our sight,” aniya.
“Divine we miss you and our tears seems endless,” pagtatapos pa niya.
Habang sinusulat ito, nananatili pa rin sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City ang mga labi ni Divine, habang nasa Davao City na ang mga labi ni Baterbonia.
KAUGNAY NA BALITA:'Kulang 'yong response ng Ateneo!' VP Sara, pumatutsada sa pagkalunod ni Rene at Divine