July 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Single and not in any relationship!' Sparkle, rumesbak sa 'third-party' isyu ni Bianca Manalo

'Single and not in any relationship!' Sparkle, rumesbak sa 'third-party' isyu ni Bianca Manalo
Photo courtesy: Bianca Manalo (FB)

Ipinagtanggol ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo kaugnay umano sa bali-balitang nadawit ito sa “third party” relationship. 

Sa naging pahayag ng Sparkle sa kanilang social media pages, partikular sa Facebook, nitong Biyernes, Hunyo 12, 2026, inihayag nilang nais daw nilang linawin sa publiko na walang katotohanan ang kumakalat na tsismis tungkol sa koneksyon ni Bianca sa iba pang relasyon. 

“On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple,” pagsisimula nila. 

Photo courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB).

Diin nila, “She is single and not in any relationship.” 

Tsika at Intriga

Dominic, Sue susunod sa kasalang Bea-Vincent?

Pagpapatuloy ng Sparkle, sana raw matuldukan na ng pahayag nilang iyon ang isyung nadadawit kay Bianca. 

“We hope this settles the matter and that we all continue to spread and click kindness instead,” pagtatapos nila. 

Samantala, wala namang inilalabas na pahayag o reaksyon si Bianca kaugnay rito bukod sa pagbabahagi niya ng post ng Sparkle sa kaniyang profile. 

Wala namang partikular na mga pangalan nabanggit ang Sparkle kung sino at kaninong relasyon ang nakakaladkad kay Bianca. 

Matatandaang tila nagbigay ng detalye si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa totoong estado ng relasyon nila ni Bianca sa isang panayam sa kaniya ng TV station noong Enero 2026. 

“It’s non-existent,” ito na lang ang nasagot ni Gatchalian nang maurirat siya tungkol sa estado ng kaniyang love-life. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

KAUGNAY NA BALITA: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?