July 14, 2026

Home BALITA National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Hunyo!

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Hunyo!

Dapat nang asahan ng mga consumer ang mas mataas na singil ng kuryente ngayong Hunyo.

Ito'y matapos na ianunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng ₱0.1488 kada kilowatt-hour (kWh) na dagdag sa kanilang household electricity rate ngayong buwan.

Bunsod nito, ang overall household rate ay aabot na sa ₱14.4833/ kWh ngayong Hunyo mula sa ₱14.3345/kWh lamang noong Mayo.

Ayon sa Meralco, ang naturang upward adjustment ay katumbas ng ₱29.76 increase sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Dagdag pa nito, ang taas-singil ay bunsod ng mas mataas na generation charge, na dulot ng serye ng yellow at red alert sa Luzon grid noong Mayo. 

National

Sen. Mark Villar naghain ng resolusyon para parangalan si Alex Eala