July 23, 2026

Home BALITA National

ADMU Pres. Fr. Roberto Yap nagsalita; 'fact-finding' sa pagpanaw ng 2 atleta, isasagawa!

ADMU Pres. Fr. Roberto Yap nagsalita; 'fact-finding' sa pagpanaw ng 2 atleta, isasagawa!
Photo courtesy: File Photo, Atene de Manila University

Nagsalita na si Ateneo de Manila University President (Sgd) Fr. Roberto C. Yap SJ kaugnay sa naging insidente ng pagkalunod ng dalawang miyembro ng Ateneo Blue Eagle Men’s Basketball team na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili. 

Matatandaang opisyal na inanunsyo ng ADMU sa kanilang Facebook post ang naging pagkasawi nina Baterbonia at Adili sa isinagawa nilang team-building sa Aurora noong hapon ng Lunes, Hunyo 8, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Sa inilabas na pahayag ni Yap sa Facebook page ng ADMU nitong Huwebes, Hunyo 11, sinabi niyang nakikiramay at tumitindig daw ang kanilang pamantasan para kina Baterbonia at Adili. 

Ani Yap, nangangailangan daw mabigyan ng konkretong pananagutan at mga paglilinaw ang naging pagkasawi nina Baterbonia at Adili. 

National

US Pres. Trump, ipapaalam kay Chinese Pres. XI Jinping 'concerns' ng Pilipinas—Palasyo

“A loss of this magnitude demands absolute accountability, clarity, and an unyielding review of the safety and welfare of our community,” saad niya. 

Diin ni Yap, dahil daw rito ay minandato ng kanilang Board of Trustees na magsagawa ng fact-finding inquiry sa lahat ng naging kaganapan sa naturang insidente ng pagkamatay ng kanilang mga manlalaro. 

“To ensure this process is conducted with the highest standards of fairness, independence, and objectivity, the University's Board of Trustees has mandated a thorough fact-finding inquiry,” aniya. 

Paliwanag ni Yap, susuyurin daw nila ang lahat ng posibleng naging aberya sa naganap na insidente, magbubuo ng konkretong timeline, sisiyasatin ang lahat ng athletic protocols, at kakausapin ang mga indibidwal na naging saksi at kasama sa araw na nalunod sina Baterbonia at Adili. 

“Upon its completion, the independent findings will be submitted directly to the Board of Trustees for swift and appropriate structural action, guided always by the requirements of law, due process, and our sacred responsibility to the families,” ‘ika niya. 

Pagtitiyak ni Yap, patuloy raw nakikipag-ugnayan ang kanilang pamantasan sa mga isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naging pagkamatay ng dalawa. 

KAUGNAY NA BALITA: Huling pangako ni Rene Baterbonia: 'Iaahon ko aking pamilya sa kahirapan!'