Naghinala ang netizens sa gumuluntang na balita ng pagkasawi o pagkalunod ng dalawang manlalaro ng basketball team ng Ateneo de Manila University na incoming rookie at “Mr. MVP” mula sa Davao Region Athletic Association (DAVRAA) na si Rene Clert Baterbonia at Nigerian foreign-athlete na si Divine Adili noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Matatandaang opisyal na inanunsyo ng Ateneo de Manila University ang pagpanaw nina Baterbonia at Adili sa kanilang Facebook page noon ding Lunes, sanhi umano ng pagkalunod ng dalawa sa isinagawang team-building ng kanilang kupunan sa Dipaculao, Aurora.
Anang pamantasan, magbibigay daw sila ng buong suporta para sa mga pamilyang naiwan nina Baterbonia at Adili, ganoon din daw sa iba pang mga manlalaro nilang naapektuhan din ng naganap na trahedya.
“The University is providing support to the families of Rene and Divine, as well as to their teammates and members of the Ateneo community affected by this tragedy,” anila.
Samantala, humingi naman ng pribadong espasyo mula sa publiko ang Ateneo para sa mga pamilyang nagluluksa dahil sa pagkawala ng nabanggit na dalawang manlalaro.
Ngunit tila hindi sumapat sa publiko ang inilabas na pahayag ng naturang pamantasan at hindi nila napigilang magduda sa naging sanhi umano ng pagkasawi nina Baterbonia at Adili.
Panawagan ng publiko, dapat daw maimbestigahan at malaman ang buong katotohanan sa naging dahilan ng pagkalunod ng mga manlalaro.
Narito ang ilang mga komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ng Ateneo de Manila sa kanilang Facebook page:
“The incident happened during a university organized team activity, so the circumstances should be fully investigated. If there were lapses in safety measures or supervision, those responsible should be held accountable. Such a tragic loss of young lives is devastating. Ateneo de Manila University”
“Investigate the school is this a sanctioned school activity?”
“Sana walang foul play.. knowing team building in varsity teams , pag bago ka sa team dumadaan ka on a some sort of team initiation from senior varsity players “like katuwaan” kc not meant to hurt you but just to welcome you.. Ang iba pinapainom ng alcohol and test you.. Sana di ganito nangyari..”
“I hope Ateneo will be responsible for the justice of these young athletes. Expected that the University will legally protect their faculty and staff handling such team building activity. So the public must keep an eye!!!”
“Please do an investigation! Is it just a teambuilding or an actual training session? totoo ba na may 20kg of weights sa paa nya?”
“INVESTIGATION PLEASE”
“ANONG KLASING TEAM BUILDING YAN!
“Rookie initiation rites or accident?”
“Bakit rookie? Rookie initiation or welcome rites?”
“Cover up nyo pa na team building”
Samantala, hindi naman na muling naglabas ng pahayag ang nasabing pamantasan kaugnay sa naganap na insidente.