July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Halfies’ issue, walang lusot kay Pia Wurtzbach sa Araw ng Kalayaan!

‘Halfies’ issue, walang lusot kay Pia Wurtzbach sa Araw ng Kalayaan!
Photo courtesy: Pia Wurtzbach, Brandon Espiritu

Tila two birds in one stone ang atake ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at pagsagot niya tungkol sa isyu ng “halfies” sa mundo ng pageantry. 

Nag-ugat ang “halfies” issue sa kamakailang naging pahayag ng Filipino-American pageant titleholders na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo. 

“This country wouldn’t have a chance on the national stage without us ‘halfies,’” ani Espiritu. 

Tumutungkol ang halfies sa mga indibidwal na dalawa ang lahi o “mixed-race.” 

KAUGNAY NA BALITA: Brandon Espiritu, tinira; Pinas, walang chance sa nat'l pageants kung walang 'halfies?'

Tsika at Intriga

Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?

Sa naging pahayag naman ni Pia sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Hunyo 12, sinabi niyang lagi raw siyang naniniwala na hindi nasusukat ang identidad ng isang tao batay lang sa lugar kung saan sila ipinanganak.

“I have always believed that identity isn’t measured by where you were born, how you look, or how others see you,” pagsisimula niya. 

Giit ni Pia, nahuhubog daw ang identidad ng isang tao batay sa kanilang mga paniniwala at pagmamahal sa lugar kung saan sila nanggaling. 

“It’s shaped by the values you carry, the roots you honor, the love you have for where you come from, and the pride you feel whenever you see our flag represented anywhere in the world,” paglilinaw niya. 

Hirit ni Pia, wala raw iisang paraan lang ng pagiging Pilipino kundi nabubuo ito sa mga karanasan, pamilya, at paniniwala. 

“There is no single way to be Filipino. We each carry that connection in our own way…through our experiences, our families, and the values that bring us home,” diin niya. 

Pagpapatuloy ni Pia, malugod daw siya na ipinagdiriwang niya ang Araw ng Kalayaan bilang koneksyon sa kaniyang pagiging Pilipino. 

“Today, I’m celebrating that connection and everything it means to me. I hope you are too,” saad niya.  

“Proud to be Filipino. Always,” pagtatapos pa ni Pia. 

Matatandaang humingi na ng dispensa si Espiritu sa pamamagitan ng paglalabas niya ng pahayag noong Hunyo 10, 2026, matapos bakbakin ng netizens at mga personalidad sa pageantry ang tungkol sa kaniyang nasaad. 

KAUGNAY NA BALITA: 'I sincerely apologize!' Brandon Espiritu, kumambyo sa nasabi tungkol sa 'halfies'