July 14, 2026

Home BALITA National

Palasyo sa bantang pag-atake sa Senado: 'Very alarming, very concerning!'

Palasyo sa bantang pag-atake sa Senado: 'Very alarming, very concerning!'
Photo courtesy: RTVM, File Photo

Tila nag-aalala raw ang Malacañang sa inilahad sa publiko ni Senate President Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian na may mga umano’y armadong grupo at may koneksyon sa 18 ex-bodyguards ang nakatakdang sumugod sa Senado. 

Matatandaang inihayag ni Gatchalian noong Hunyo 10, 2026, ang nakarating na impormasyon sa kaniya mula kina Sen. Erwin Tulfo at National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag, tungkol sa nabanggit na umano'y kaguluhan. 

Ani Gatchalian, armadong grupo at may koneksyon daw sa 18 ex-bodyguards ang mga nagbabalak na sumugod sa mataas na kapulungan ng Kongreso. 

“Noong Blue Ribbon consultative meeting, nag-suspend si chairman Sen. Erwin Tulfo at nilapitan siya ni Director Matibag… What he said is there is a possibility of na merong manggugulo sa Senado and it’s a possibility na armed grupo ‘yong manggugulo,” aniya. 

“According to the NBI, it might be connected to them [18 bodyguards],” diin pa niya. 

National

Sen. Mark Villar naghain ng resolusyon para parangalan si Alex Eala

Sa naging pahayag naman ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro nitong Huwebes, Hunyo 11, sinabi niyang sobrang nakakaalarma raw ang nasabing impormasyon ng pag-atake ng mga armadong grupo. 

Buwelta pa niya, lalo na raw at may koneksyon ang mga ito sa 18 ex-bodyguards na silang sinusuportahan ng dating mambabatas na si Mike Defensor na ang hangarin ay mapatalsik sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Of course very alarming, very concerning dahil alam naman natin kung sino ang nasa likod ng 18 maleta boys. Walang iba kundi si Mike Defensor na hayagan na sumisigaw na gusto niyang mapatalsik ang Pangulo sa puwesto,” pagsisimula niya. 

Ani Castro, tila wala naman daw ibang motibo ang “18 maleta boys” sa pagpapakalat daw ng mga ito ng butas-butas at basehang mga kuwento kundi ang pabagsakin ang administrasyon. 

“Kung babasahin ninyo at titingnan ang mga kuwento ng 18 maleta boys, butas-butas, walang pinanggagalingan, walang basehan, ano pa ba ang motibo dito?” pagtatapos pa niya. 

Samantala, batay naman sa naging pahayag ng tumatayong abogado ng 18 ex-bodyguards na si Atty. Levito “Levi” Baligod nito ring Huwebes, sinabi niyang puro kasinungalingan lang daw ang sinasabi nina Gatchalian at Matibag. 

“Naniniwala ba kayo kay Win Gatchalian saka si Matibag ay puro kasinungalingan ‘yong sinasabi nila,” sagot niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Maleta boys, Basurero!' Usec. Castro, niratrat ng bansag ang 18 ex-bodyguards