July 18, 2026

Home BALITA National

'Mapanlait!' Kampo ni Sen. Robin, pumalag sa pa-unggoy ng China sa mga Pinoy

'Mapanlait!' Kampo ni Sen. Robin, pumalag sa pa-unggoy ng China sa mga Pinoy
Photo courtesy: Senate of the Philippines, China Daily

Naglabas din ang tanggapan ni Sen. Robin Padilla kaugnay sa naging mapanlait at racist sa Artificial Intelligence (AI) Generated video ng China Daily patungkol sa pagtuturing nilang unggoy sa mga Pilipino sa usapin sa 2026 South China Sea Arbitral Award.

Matatandaang nauna nang nagsalita ang Departmenf of Foreign Affairs (DFA) noong Huwebes, Hulyo 16, 2026, at mariin nilang kinondena ang naturang AI generated video ng China Daily’s publication. 

Ibinahagi rin kasi ng China Daily’s publication sa kanilang Facebook page noong Hulyo 10 ang naturang 58 na segundo ng AI generated nilang video kung saan mapapanood ang isang unggoy sa nakasuot ng salakot at barong, mga pangunahing katangian ng Pilipino, habang inuutusan umano ng mga bansang United States (US) at Japan.

KAUGNAY NA BALITA: DFA, umalma sa pagtuturing ng China na unggoy sa mga Pinoy!

Sa inilabas naman na pahayag n ng tanggapan ni Padilla nitong Biyernes, Hulyo 17, sinabi niyang sumusuporta daw ang kanilang tanggapan sa DFA laban sa mapanlait at mapanghamak na video ng China Daily. 

National

Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!

Diin ng tanggapan ni Padilla, hindi raw kailanman maaaring maging dahilan para manyurak ng dignidad ng isang lahi ang freedom of expression at mga politikal na pagtatalo. 

Giit pa nila, “Ang paglalarawan sa mga Pilipino sa isang mapanlait at nakabababang paraan ay hindi katanggap-tanggap at nararapat lamang na kondenahin.” 

Anila, hindi raw dapat kailanman isakripisyo ang dangal at sobrenya ng sambayang Pilipino sa kabila ng kahalagahan na mapanatili ang mapayapang ugnayan at dayalogo ng lahat ng bansa sa mundo. 

“Ang anumang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga bansa ay dapat lutasin sa pamamagitan ng diplomasya, paggalang sa pandaigdigang batas, at mahinahong pag-uusap-hindi sa pamamagitan ng propaganda na naglalayong hamakin ang isang buong mamamayan at sirain ang tiwala sa isa't isa,” saad nila. 

Pagpapatuloy nila, nakikiisa raw ang tanggapan ni Padilla sa panawagan ng DFA na burahin ng China Daily ang naturang mapanlait nilang video para sa mga Pilipino at pairalin daw ang mga pawang katotohanan, paggalang, at pagiging responsable. 

“Nakikiisa ang Tanggapan ni Senador Padilla sa panawagan ng Kagawaran na agarang alisin ang naturang mapanlait na nilalaman at hinihikayat ang lahat ng panig na pairalin ang katotohanan, paggalang, at pagiging responsable sa pandaigdigang pampublikong diskurso,” pagtatapos pa nila. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘May supporter kayo?’ Tarriela, hinamon Chinese Embassy ilista mga kakamping bansa!