July 26, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Ang simbolismo ng eskapularyo ni Lady of Mt. Carmel

Ang simbolismo ng eskapularyo ni Lady of Mt. Carmel
Photo courtesy: LMP 2001 (Wikimedia Commons)

Kinikilala bilang isa sa maraming titulo na ibinigay kay Birheng Maria, ito ay nagmula sa mga sinaunang Kristyanong ermitanyo na nanirahan sa Mount Carmel sa Banal na Lupain, na matatagpuan sa Middle East, mula ika-12 hanggang 13 siglo. 

Ang mga ermitanyong ito ay nagtayo ng kapilya sa Carmel na inialay nila sa Birheng Maria, at sa mga siglong ito, nakilala ang mga sinaunang ermitanyong ito bulang “Brothers of Our Lady of Mount Carmel.” 

Pagdating ng ika-15 siglo, ang kayumangging eskapularyo ay naging parte ng debosyon sa Birheng Maria bilang Lady of Mt. Carmel. 

Kung saan ayon sa tradisyon, binigyan ni Maria ng eskapularyo ang isang Carmelite na nagngangalang “St. Simon Stock.” 

Ipinangako rin daw ni Maria sa nasabing Carmelite na sinumang namatay na suot ang eskapularyo ay maliligtas.

Human-Interest

‘Signs of aging?’ Mga senyales na pa-Tito o Tita na ang isang tao

Dahil dito, ano nga ba ang itsura at simbolismo ng kayumangging eskapularyo ng Birheng Maria? 

Ayon sa pag-aaral ng Latin Church of Cyprus, ang eskapularyo ay binubuo ng dalawang pirasong kayumangging lana sa kurdon, na ibinigay ni Maria kay St. Simon noong 1251. 

Ito ay pinaniniwalaang simbolo ng kaligtasan at tiyak na kapahamakan, kaya ito rin ay nagsisilbing pangako ng kapayapaan. 

Dahil na rin sa kuwentong ito na naipasa sa mga nagdaang siglo, ang eskapularyo ay naging espesyal na tela, na naitalang isinusuot ng mga monghe habang sila ay nagtatrabaho. 

Ito rin ay nakilala bilang “yoke of Christ” at naging simbolo ng debosyon at kabanalan. 

Ayon naman sa lathala ng The Mystical Humanity of Christ, ilan sa mga kilalang kuwento hinggil sa kabanalan ng eskapularyo ay ang hindi umano pagkabulok nito bagama’t kasama ito sa mga labi nina St. John Bosco at St. Alphonsus nang sila ay ilibing. 

Ibinahagi rin sa lathalang ito na noong Mayo 1981, nang mabaril si Pope John Paul II sa St. Peter’s Square, ikinagulat ng mga doktor na hindi siya nasawi dahil sa kaniyang suot na eskapularyo.