Nakuha ng isang school page ang kiliti ng netizens matapos mag-viral sa social media ang kanilang post na nagpapakita ng mga pangalan ng mga estudyanteng tumakas umano sa pagiging “cleaners” matapos ang kanilang klase.
Makikita sa Facebook page na “Grade 12 Humss-Accountability,” na naka-post ang mga pangalang “J.R. BAGACENA” at “J.A. GUINTO” na tumakas na cleaners umano noong nakaraang Martes, Hulyo 14.
Sa caption ay mababasa, “Found at last. Sa wakas, nahuli rin namin sila. Huwag kayong mag-alala…present na sila ngayon.
Dagdag pa sa dulo ng post, “Disclaimer: Biruan lang po, walang pikonan.”
Dahil dito, kasalukuyan nang umani ng 291.7k reactions, 1.8k comments, at 10k reshares ang nasabing post.
Kung saan, karamihan sa netizens na nakabasa ay tuwang-tuwa at relate sa kanilang buhay estudyante.
“totoong accountability hahahahahs”
“HAAHAHAHAH ANG LALAA”
“Baka may tumakas pa dyan ha”
“Katakot haha buti di pa uso post post dati”
“bigla ka na lang sisikat pag ganyan”
“transparency is the best policy”
Sa isa pang hiwalay na post, makikita na nag-update ulit ang page kung saan sinasabi na wala na raw tumakas na cleaners ngunit naging cleaners na ng isang linggo ang mga estudyanteng may mga pangalang “J.R. BAGACENA” at “J.A. GUINTO.”