July 20, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Rerouting at road closures kasunod ng kilos-protesta sa Maynila sa Hulyo 19

ALAMIN: Rerouting at road closures kasunod ng kilos-protesta sa Maynila sa Hulyo 19
Photo courtesy: Manila Police District

Inilabas ng Manila Police District (MPD) ang listahan ng rerouting at mga isasarang kalsada sa Maynila kasunod ng isasagawang malawakang kilos-protesta ng grupong United People's Initiative (UPI) sa Liwasang Bonifacio sa Linggo, Hulyo 19.

Batay sa MPD, narito ang listahan ng rerouting simula 5:00 ng hapon, ngayong Sabado, Hulyo 18:

AYALA BRIDGE 

- Ang mga sasakyang magmumula sa Romualdez St., na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisuhang kumanan sa Taft Ave. papapunta sa lugar na patutunguhan o kaya’y dumiretso sa N. Lopez, at kumanan sa A. Villegas, kumaliwa sa C. Muñoz, papapunta sa lugar na destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa San Marcelino St. na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisuhang kumanan sa Ayala Blvd. at kumanan sa Taft Ave. papapunta sa lugar na patutunguhan o kaya’y dumiretso sa kahabaan ng San Marcelino St., at kumaliaw sa UN Ave. papunta sa lugar na destinasyon. 

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

- Ang mga sasakyang magmumula sa Ayala Blvd. Eastbound lane na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisuhang kumanan sa San Marcelino papunta sa lugar na destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa C. Palaca na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisuhang kumaliwa sa P. Casal papunta sa lugar na destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa P. Casal na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisuhang kumanan sa C. Palanca papunta sa lugar na destinasyon. 

CRB MENDIOLA

- Ang mga sasakyang magmumula sa Quezon Blvd. at CM Recto Ave. na nais dumaan sa Mendiola St. ay inaabisuhang kumaliwa sa N. Reyes papunta sa lugar na destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa lugar ng Sta. Mesa sa pamamagitan ng Legarda St. na nais dumaan sa CM Recto Ave. ay inaabisuhang kumanan sa Figuras St., diretso sa Earnshaw St., pakaliwa sa SH Loyola, papapunta sa lugar ng destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa P. Casal na nais dumaan sa Mendiola St., ay inaabisuhang kumaliwa sa San Rafael St., diretso sa Bilibid Viejo St. patungong Quezon Blvd., papunta sa lugar na destinasyon. 

Mula naman 6:00 ng umaga ng Linggo, Hulyo 19, narito ang karagdagang lugar ng rerouting:

LIWASANG BONIFACIO

- Ang mga sasakyang magmumula sa Plaza Sta. Cruz na nais dumaan sa Southbound lane ng McArthur Bridge ay inaabisuhang kumanan sa Dasmariñas St., pakaliwa sa Juan Luna St., muling pakaliwa sa Plaza Cervantes patungong Jones Bridge, papunta sa lugar ng destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa A. Mendoza na nais dumaan sa Southbound lane ng Quezon Blvd. (Quezon Bridge) ay inaabisuhang kumanan sa Fugoso St., pakaliwa sa T. Mapua St. patungong CM Recto Ave. papunta sa lugar ng destinasyon. 

- Ang mga sasakyang magmumula sa España Blvd. na nais dumaan sa Southbound lane ng Quezon Blvd (Quezon Bridge) ay inaabisuhang kumaliwa sa N. Reyes St. patungo sa CM Recto, papunta sa lugar ng destinasyon. 

Narito naman ang mga lugar na isasara simula 5:00 ng hapon ng Hulyo 18:

AYALA BRIDGE 

- Ayala Bridge

- East bound lane ng Ayala Blvd mula San Marcelino to Romualdez St.

CRB MENDIOLA 

- Kahabaan ng C.M. Recto Ave. mula N. Reyes hanggang Mendiola

- Kahabaan ng Legarda mula Figueras St. hanggang San Rafael St.

Narito naman ang mga lugar na isasara simula 6:00 ng hapon ng Hulyo 19:

LIWASANG BONIFACIO 

- Kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones to McArthur Bridge

- Southbound lane ng McArthur Bridge ng Plaza Lacson patungong Liwasang Bonifacio 

- Southbound lane ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza/Fugoso St. patungong Quezon Bridge, patungo sa Liwasang Bonifacio

- Southbound lane ng Lerma St. mula España Blvd./P. Campa patungong A. Mendoza Blvd.