July 26, 2026

Home BALITA Metro

QC PESO, nakikiramay sa pamilya ng nasawing TNVS driver; panawagan proteksyon ng riders

QC PESO, nakikiramay sa pamilya ng nasawing TNVS driver; panawagan proteksyon ng riders
Photo courtesy: Contributed photo, QC District 3 - PESO (FB)

Nakikidalamhati ang Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) sa naulilang pamilya ng nasawing Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver na nasawi sa oras ng kaniyang biyahe. 

Sa pahayag ng QC PESO noong Biyernes, Hulyo 17, binanggit nilang hindi lamang usapin ng krimen ang trahedyang pagpatay sa TNVS driver na si G. Fabio Norberte, Jr., kung hindi isa ring Occupational Safety and Health (OSH) concern.

Dahil anila, sa araw-araw na pagbiyahe ng TNVS drivers, humaharap din ang mga ito sa panganib sa kalsada, mahabang oras ng trabaho, matinding pagod, at mga sitwasyong maaaring magbanta sa kanilang kaligtasan at seguridad. 

Kaya ipinapanawagan ng QC PESO sa digital platforms at mga kinauukulang ahensya ang pagpapaigting ng mga hakbang upang bigyang proteksyon ang riders. 

Kasama rito ang sapat na OSH orientation, malinwa na safety protocols, agarang emergency response, at tuloy-tuloy na suporta sa panahon ng insidente. 

Metro

Road closures at rerouting sa Maynila para sa SONA

Sa kasalukuyan, tinitiyak ng QC PESO na patuloy silang nakikipagdayalogo sa TNVS riders upang makabuo ng mga programa at serbisyong tutugon sa kanilang kaligtasan, kalusugan, social protection, at pangkalahatang kapakanan. 

Matatandaang napaulat na nasawi si Norbete noong Hulyo 14 matapos siyang pagsasaksakin ng ice pick at pagnakawan ng motorskilo ng kaniyang mismong pasahero sa Caloocan.

Napag-alaman ding isa siyang single father at naulila niya ang kaniyang anak na tatlong taong gulang na may autism. 

MAKI-BALITA: Solo parent na TNVS rider, pinatay at pinagnakawan pa ng motorsiklo ng pasahero!

KAUGNAY NA BALITA: ‘Wala siyang kalaban-laban!’ Pamilya ng rider na nasawi sa pananaksak, humihingi ng hustisya