Binuweltahan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela ang Chinese Embassy at hinamon niya ang deputy spokesperson nito na ilista raw ang mga bansang naniniwala sa kanilang nine-dash line.
Matatandaang nauna nang naglabas ng pahayag si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei (Gou Way) sa kanilang Facebook page noong Miyerkules, Hulyo 15, 2026, kung saan sinabi niyang wala raw kahit isang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mahigit 200 bansa sa buong mundo ang pumabor sa pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Award.
“Mr. Zay Taliela, not a single ASEAN country signed the latest joint statement. Out of nearly 200 countries worldwide, the overwhelming majority have declined to legitimize your illegal, self-proclaimed ‘victory,’” ani Wei.
Sa naging tugon naman ni Tarriela sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Hulyo 16, pinatutsada niyang huwag daw maguluhan si Wei at bilangin daw nito ang mga bansang kumikilala sa kanilang nine-dash line.
“Don’t get confused, Mr. Goa Way — my question is how many countries recognize China’s illegal nine-dash line,” pagsisimula niya.
Sa larawang inupload ni Tarriela, makikitang tinapalan niya ng “MAY SUPPORTTER KAYO? SINO AT ILAN?” ang naturang pahayag na inilabas ng Chinese Embassy.
Photo courtesy: Jay Tarriela (FB).
Pagpapatuloy niya, paulit-ulit daw sinasabi ni Wei na maraming bansa ang hindi kumikilala sa Arbitral Award na nakuha ng Pilipinas noong 2016, ngunit hindi naman daw nito mapangalanan ang mga kakamping sumusuporta sa umano’y kanilang ilegal na posisyon sa WPS.
“You keep repeating that many countries don’t recognize the Arbitral Award, yet you cannot name a single country that supports your illegal position,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa muling naglalabas ng pahayag, tugon, o reaksyon si Wei o ang Chinese Embassy kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: Jay Tarriela at Chinese Embassy, nagboldyakan sa social media!
KAUGNAY NA BALITA: ‘Prove me wrong!' Tarriela, bumanat sa pananahimik ni Jing Quan sa Batanes isyu