Tumirada si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela sa pananahimik umano ni Chinese Embassy Ambassador to the Philippines Jing Quan kaugnay sa naging tirada ng ilang Chinese scholars sa Batanes.
Matatandaang naging usap-usapan ang ilang mga Chinese scholars noong Huwebes, Hulyo 9, 2026, matapos nilang igiit sa kanilang symposium na “natural extension” ng Taiwan ang Batanes kaya raw nararapat itong isama sa teritoryo ng bansang China.
Kinuwestiyon din nila ang pagiging balido ng mga negosasyon sa maritime delimitation sa pagitan ng Japan at Pilipinas sa naturang lugar, na ayon sa kanila ay walang legal na bisa.
KAUGNAY NA BALITA: Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!
Bago nito, nauna nang maglabas ng pahayag ang Chinese Embassy noong Biyernes, Hulyo 10, sa naging post ni Tarriela sa umano’y naging pagpunta ni Jing Quan sa Batanes noong buwan ng Hunyo.
“Mr. Jay Tarriela deliberately linked the Ambassador's visit with some academic discussion and tried to create hostility between the Chinese and Filipino peoples. Such old tricks fool nobody but himself,” tirada ng Deputy Spokesperson ng Chinese Embassy na si Goa Way.
Sa naging tugon naman ni Tarriela nitong Sabado, Hulyo 11, hinamon niyang patunayan daw ni Goa Way na dinadawit niya si Jing Quan sa isyu sa Batanes nang walang basehan.
“Mr. Goa Way, you accuse me of deliberately linking the Honorable Ambassador’s visit to Batanes with such baseless [claims]. Very well — prove me wrong,” pagsisimula niya.
“If Beijing’s so-called academic scholars do not speak for the Chinese government, then Ambassador Jing Quan should condemn their illegal claims on Batanes without hesitation,” giit pa niya.
“His silence would say more than my post ever could,” pagtatapos niya.
Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman muling naglalabas ng pahayag, tugon, o reaksyon ang Chinese Embassy kaugnay sa nasaad ni Tarriela.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, bumoses na sa arbitral award ng Pinas!