July 11, 2026

Home BALITA National

PBBM, bumoses na sa arbitral award ng Pinas!

PBBM, bumoses na sa arbitral award ng Pinas!
Photo courtesy: PBBM

Nagsalita na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaugnay landmark arbitral award na nakamit ng Pilipinas humigit-kumulang sampung taon na ang nakalipas noong 2016. 

Matatandaang naging usap-usapan ang ilang mga Chinese scholars noong Huwebes, Hulyo 9, 2026, matapos nilang igiit sa kanilang symposium na “natural extension” ng Taiwan ang Batanes kaya raw nararapat itong isama sa teritoryo ng bansang China. 

Kinuwestiyon din nila ang pagiging balido ng mga negosasyon sa maritime delimitation sa pagitan ng Japan at Pilipinas sa naturang lugar, na ayon sa kanila ay walang legal na bisa.

KAUGNAY NA BALITA: Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!

Sa naging pahayag naman ni PBBM sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 11, idiniiin niyang ipinagtatanggol daw nila ang buhay at hinaharap ng mga Pilipino kapag pinoprotektahan nila ang rule of law at teritoryo ng Pilipinas.

National

'Threat is a threat:' De Lima, kinudang walang 'such thing' na conditional threat!

“When we defend the rule of law, we are not merely defending lines on a map. We are defending the lives, the livelihoods and the future of our people,” pagsisimula niya. 

Sa naturang post ng Pangulo, makikita ang ilang mga larawan ng pagdalo niya sa ikinasang National Commemorative Conference ng 2016 South China Sea Arbitral Award sa Conrad Hotel, Pasay City, noong Biyernes, Hulyo 10.

Screenshot mula sa FB post ni PBBM. 

Anang Pangulo, sampung taon o isang dekada na raw ang nakalipas nang makamit ng Pilipinas ang 2016 Arbitral Award mula sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands, na nagpapawalang bisa sa “nine-dash line” ng China. 

Aniya, nanatili raw na pinanghahawakan ng Pilipinas ang karapatan nito, pagprotekta sa taumbayan, at pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagkamit ng hustisya at pagrespeto sa mga karatig bansa. 

“As we mark ten years since the 2016 Arbitral Award, the Philippines remains steadfast in upholding what is right, protecting our people and pursuing a peace founded on justice and mutual respect,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Giit ni Rep. Gato: Batanes, probinsya ng Pilipinas