July 19, 2026

Home BALITA National

Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!

Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!
Photo courtesy: MB file photo

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 20,000 security personnel sa Metro Manila bilang bahagi ng pinaigting na seguridad para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay acting PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, kabilang sa mga ide-deploy ang mga tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang kaayusan bago, habang, at matapos ang SONA.

“Ibig sabihin we are deploying more than 20,000 personnel for the SONA. This includes our augmentation from other agencies like the AFP, the Coast Guard, 'di ko lang mabanggit may iba tayong mga kasama dito. And of course kasama rin dito ang ating action teams,” ani Co. 

Samantala, kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na apat na grupo na ang naghain ng aplikasyon para sa rally permit sa Quezon City kaugnay ng taunang pag-uulat ng Pangulo.

Ayon kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo, patuloy pang isinasapinal ng mga awtoridad ang kanilang operational plans para sa mga lugar na inaasahang pagdarausan ng mga kilos-protesta, kabilang ang paligid ng Batasang Pambansa, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Katipunan Avenue, at EDSA Shrine.

National

Higit 1k kaso ng COVID-19, naitala sa bansa mula Enero-Hulyo 2026–DOH

Hindi muna isinapubliko ng NCRPO ang pagkakakilanlan ng mga grupong naghain ng permit dahil nagpapatuloy pa ang koordinasyon at paghahanda sa seguridad.

Tiniyak naman ng PNP na nakahanda ang kanilang mga pwersa at mga katuwang na ahensya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng pagdaraos ng SONA.