Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang inupload na Artificial Intelligence (AI) generated ng China Daily’s publication na nagpapakita sa mga Pilipino bilang isang unggoy sa usapin ng 2016 South China Sea Arbitral Award.
Ibinahagi rin ng China Daily’s publication sa kanilang Facebook page noong Hulyo 10, 2026, ang naturang 58 na segundo ng AI generated nilang video kung saan mapapanood ang isang unggoy sa nakasuot ng salakot at barong, mga pangunahing katangian ng Pilipino, habang inuutusan umano ng mga bansang United States (US) at Japan.
“‘The Philippine Politicians' Karaoke Show’ lays bare the farce: by clinging to external forces and stirring up trouble in the South China Sea, they are turning their country into a pawn in someone else's geopolitical game,” anila.
Sa inilabas naman na pahayag ng DFA noong Huwebes, Hulyo 16, sinabi nilang lumampas daw sa limitasyon ng isang lehitimong politikal na argumento ang China Daily at malinaw raw na nagpakita sila ng pagiging racist at hindi hindi makataong pagturing sa mga Pilipino.
“As a Chinese state-run media outlet, China Daily’s conduct goes beyond legitimate political debate and employs blatantly demeaning, dehumanizing, and racist depictions of Filipinos,” pagsisimula nila.
Anang DFA, mariin daw silang bumabatay sa makatarungang posisyon tuwing ipinaglalaban nila ang mga distortion at pekeng naratibo ng China tungkol sa Artbitral Award na nakuha ng Pilipinas, ngunit sadya raw na sobrang nakakainsulto at hindi katanggap-tanggap ang pagtuturing ng China ng unggoy sa mga Pinoy.
“Disagreement over legal and political issues does not justify resorting to disturbing imagery, which has no place in the civil public discourse of a responsible state,” giit nila.
Dahil dito, mariing nanawagan ang DFA na burahin ng naturang publikasyon ang isinapubliko nilang video at panghawakan daw ng China ang kanilang dignidad, pagrespeto, at katotohanan sa mga pampublikong pagtatalo.
Diin kasi ng DFA, pinalalawak lang daw ng mga imagery at disinformation na inupload ng China Daily ang hindi pagtitiwala ng Pilipinas at China sa isa’t isa.
“Such imagery and misinformation only serve to widen the distrust between the Philippines and China. The Philippines demands that the offensive material be taken down, calls for the immediate cessation of such irresponsible content, and urges China to uphold dignity, respect, and truth in public discourse,” pagtatapos pa nila.
Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa rin naman binubura ng pahayagan ang naturang AI generated video at matatagpuan pa rin ito sa kanilang Facebok page.
KAUGNAY NA BALITA: ‘May supporter kayo?’ Tarriela, hinamon Chinese Embassy ilista mga kakamping bansa!
KAUGNAY NA BALITA: Jay Tarriela at Chinese Embassy, nagboldyakan sa social media!