April 24, 2026

Home BALITA National

Topnotcher lawyer, tinusta si VP Sara: 'Di sukatan ng galing ang grado sa Bar exam!'

Topnotcher lawyer, tinusta si VP Sara: 'Di sukatan ng galing ang grado sa Bar exam!'
Photo courtesy: Atty. De Venecia-Fabul (FB), File Photo

Tila hindi napigilang sagutin ng Bar topnotcher noong 2005 at PLDT Chief Legal Counsel na si Atty. Joan De Venecia-Fabul ang tungkol sa naging pagbida ni Vice President Sara Duterte sa grado ng kaniyang Bar exam upang pabulaanan ang akusasyon ni Ramil Madriaga. 

Matatandaang inilahad ni Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice noong Martes, Abril 14, 2026, na raw sa kaniya ng propesor ni VP Sara noong sa San Sebastian College of Law (SSC-Law) na “not particularly good,” nahihirapan sa pag-aaral, at bayolente noon ang Bise Presidente sa nasabing law school. 

“I got close with Atty. Ryan who was previously a professor of Sara and former Associate Dean of SSC-Law. He shared with me that Sara was not particularly good in school, was often struggling with her academics, and habitually rude and violent to other students,” saad ni Madriaga. 

KAUGNAY NA BALITA: Ramil Madriaga isiniwalat na mahina, bayolente sa law school noon si VP Sara

Nagawa namang maglabas ng pahayag ni VP Sara laban kay Madriaga sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Abril 15, 2026, at ibinida niyang nakapagtapos siya ng abogasya noong 2005 at kumuha ng Bar exam sa parehong taon. 

National

'Walang pagsidlang tuwa at pasasalamat sa ICC!'—Atty. Conti

Aniya pa, mahirap daw ang Bar Exam noong Setyembre 2005 ngunit naipasa niya pa rin ito sa unang subok na may General Weighted Average (GWA) na 80, limang puntos daw na mas mataas 75 na passing grade. 

“I graduated in May 2005 and took the Bar Exam in September of the same year—something that had not been done before at SSC-R College of Law until my time. The exam that year was relatively difficult. I passed the Bar on my first attempt with a GWA of 80, five points above the minimum,” ‘ika ni VP Sara. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, kinontra si Madriaga; nakatapos ng law school sa sariling sikap

Ayon naman sa naging pahayag ni Atty. De Venecia-Fabul sa Facebook post niya nitong Huwebes, Abril 16, 2026, sinabi niyang hindi raw nakakatulong ang tila pagdidiin ng naratibong ng 75, 80, o 85 na grado sa pagpasa sa Bar, dahil ang pasado raw ay pasado talaga. 

Sa naturang post kasi ng abogado, makikitang ibinahagi niya ang post din ng isang Duterte supporter tungkol sa naging pagpasa sa Bar exam ni VP Sara noong 2005 at tila pagbibida nito sa grado na nakuha ng Bise Presidente. 

“To whom it may concern: Proud Bar Batch 2005 here. Hindi po nakakatulong ang mga ganitong naratibo. 75, 80, 85 man ang grado, ang pasado, pasado,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Atty. De Venecia-Fabul (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Atty. De Venecia-Fabul. 

Aniya, hindi raw sukatan ng galing at integridad ng mga abogado ang nakuha nilang grado sa pagpasa sa Bar exam. 

“Hindi po sukatan ng galing at integridad bilang abogado ang grado sa Bar exam,” diin niya. 

Pagpapatuloy niya, mas mahalaga daw na isabuhay ng mga pumasa sa Bar exam ang kanilang sinumpaang tungkulin para itaguyod ang “rule of law” at ipaglaban nang pantay ang kanilang mga kliyente.  

“Ang mahalaga ay kung paano isinabuhay ng isang Bar passer ang kanyang sinumpaang tungkulin na itaguyod ang rule of law at ipaglaban ng patas ang karapatan ng kanyang mga kliyente,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si VP Sara kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nakapasa lang sa law school dahil sa impluwensya—Madriaga